TWENTY

6.4K 104 7
                                    

A month passed, nagpatuloy si Xenon na binibisita ako kahit pa nakaka-usap ko siya sa phone. Mahirap ang ganitong sitwasyon, minsan  hindi ko maiwasang  mainis dahil medyo pinipilit ko ang sarili ko na hanggang ganito lang ang kami ni Xenon ngayon. My ghad! I want him to date outside, yung parang natural lang sa couple.




Pero gusto kong makuha ko ang loob ni mommy and daddy kaya ayoko nang tumakas pa ulit. I sighed. I still need a lot of patience in this situation. Medyo okay na rin ang turingan ng pamilya ko. Medyo ilag pa rin si Daddy but he's trying his best.



Kanina ko pa kausap si Daniela. Grabe, madalas ay siya ang tumatawag sa akin at kinukumusta ako. Natatakot rin siyang mahuli si Xenon ng daddy ko dahil kilala niya ang daddy na kung magalit.


Kinumusta niya rin kami ni Xenon. Ayon, stay strong kahit na minsan ay may topak ako ay 'di ako iniwan. Shiz, mahal na mahal talaga ko ng mokong na yun! Naalala ko tuloy ang mukha niya, sarap kirutin.


Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Pagkatapos ay agad akong bumaling sa phone ko.



"Dan, mamaya na ulit. May tao sa labas." Mahinang aniko.



Tumango naman siya. Agad kong tinago sa ilalom ng foam ng kama ko ang phone. Hindi naman sila nagtataka kung bakit minsan ay nagkukulong ako sa kwarto ko. Mas nakikita kasi nila ang pag improve ko na makisama sa kanila.



Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin si mommy na matamis ang ngiti. "Tomorrow is your birthday! What do you want, baby?" Malambing na saad ni mommy.



Napangiti ako. Kahit na nakalimutan kong birthday ko ay masaya akong si mommy pa talaga ang nagpaalala nito. Akala ko ay nakalimutan nila dahil dati naman, sa tuwing birthday ko ay kakain kami sa labas pagkatapos ng birthday ko.



"Nothing, my."




"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Don't worry, Lavinia. Tell me what do you want." Pagpupumilit niya.



Muli akong umiling. "Dinner with you and daddy." Ay okay na ako don.



Ang marinig ang buhay ni Xenon ay sobrang nakakamangha. Ang mamuhay siyang simple at walang tulong ng mga magulang ay hindi ko ata kaya pero ngayon, gusto ko rin maging independent. Kung noon, okay na ako sa material na bagay ngayon ay gusto kong sanayin ang sarili ko maging simple.





Sobra na sigurong na-admire kay Xenon kaya ganito. Pumayag si mommy sa gusto ko at bumaba ako para tulungan siya sa mga ihahandang lulutuin para bukas. Nang muli ako mapag-isa ay naligo na muna ako. Alam kong parating na si Xenon at ayaw ko naman maging losyang sa paningin niya.



Gusto ko sana siyang makasama sa dinner celeration ng birthday ko with family pero alam kong mawiwindang ang parents ko. Natatakot akong baka katapusan iyon ng pagkikita namin ni Xenon.



"Wow, fresh." Titig na titig siya sa akin habang nanatiling nakaupo sa kama ko.




I flipped my hair. "Kalma, ako lang 'to." Natatawang sabi ko saka tumabi sa kaniya.




"Hindi ako kakalma, mahal na mahal ko 'to eh." Pagbabanat niya.



Mas lalong sumilay ang magandang ngiti niya habang ako ay kagat-labing nahiya na. Binato ko siya ng unan na mas ikinatawa niya.



"Kinilig ka naman!" Pang-aasar niya pa at tinusok-tusok ang tagiliran ko.



Pinanlakihan ko siya ng mata upang tumigil siya. Niyakap ko sya sa baywang niya at sumandal ang ulo ko sa balikat niya.




Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon