THIRTEEN

8.9K 121 3
                                    

Hindi ko mapigilang mapanganga sa ginawa ni Xenon. What the hell?! Agad akong tumayo at hinawakan siya upang pigilan na lapitan si Jax.






"Anong ginagawa mo?" Nanghihina kong tanong.





Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit at nanlilisik pa ang mata.




Bumuga siya ng hangin. "Bakit ka umiiyak at niyakap ka pa niya?!"





"Yun lang, Xenon! Bakit ka nanununtok?"






Hindi ako makapaniwalang napahilamos ako sa saking mukha gamit ang sariling kamay. Napatingin ako kay Jax na ngayon ay inaasikaso ni Daniela.





Napatingin naman sa amin si Daniela. "Mag-usap na muna kayo."





"Siguro nga." Singit ni Xenon.






Sumama ang tingin ko sa kaniya. Nakakainis siya! "Ayaw ko." Tinalikuran ko sila ngunit napahiyaw ako nang nasa ere na ako.






"Ibaba mo ako!" Hinampas ko siya sa likod.





Paano ba naman! Ginawang sako ang pagbuhat sa akin. Hindi niya ako ibinaba at hindi rin siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makalayo kami nila Daniela.




"Baby, stop that." Hindi ako tumigil sa kakapalo ng likod niya.






Nahihilo nga ako dahil balikta ang tingin ko. Hindi ko alam kung nasaan kami pero dahil sa liwanag ng buwan ay nasisinag ko siya. Inis ko siyang tinignan ng maiupo niya ako sa malaking bato.





"Nakipagyakapan ka sa kaniya na ganiyan ang suot mo Fuck."





Namula naman ang mukha ko nang dumampi ang kamay niya sa balat ko dahil inayos niya ang suot kong swimsuit.





"Eh, ano naman sayo?"





Ang dalawang kamay niya ay ipinatong sa magkabilang gilid ko at seryosong nakatitig sakin.





Psh. Parang kanina lang todo ngiti siya dahil aish! Hindi ako nagseselos kay Daniela no. Kaibigan ko iyon. Ayaw kong masira kami.





"Anong eh ano naman? Naiinis ako baby."




"Masama bang yakapin ako ng tao?" Tanong ko.





"Oo, masama." Mabilis niyang sagot.





Why???? Bakit napaka big deal sa kaniya kung niyakap ko si Jax. Nagseselos ba siya?





Napatitig ako sa kaniya. Nanatiling nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa at tahimik ngunit binasag ko ang katahimikang iyon.






Naguguluhan kasi ako sa inaakto niya... Feeling ko.... gusto niya ako pero sa tuwing maalala ko kung paano niya nginitian si Daniela ay kumikirot ang puso ko.





"For the second time, kumusta ka Xenon?"





Saglit na natigilan siya. Nag taas at baba ang adam's apple niya habang titig na titig sa akin.





Pakiramdam ko ay madidismaya lang ako sa sagot niya. Baka mas lalo lang akong masasaktan kung itutuloy niya.




"Huwag mo nang sabi-"





Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now