✧ 005

707 35 21
                                    

JEONGWOO'S

Alam niyo ba kung ano pa yung pinaka-kinakainisan ko kay Daejung?

'Yun yung magkatapat lang halos ang mga bahay namin. Oo, mag-kapitbahay lang kami, tsk. Lagi mo na ngang nakikita sa school, pati ba naman pagdating ng bahay makikita mo pa din? Ayos lang sana kung hindi siya bwisit eh.

7:41 pm. Madilim na sa labas at mag-aaral pa ako para sa quiz namin bukas, baka simulan ko na din yung paggawa ng research paper namin, mag-isa.

Sasaraduhan ko na sana yung kurtina ng kwarto ko ng bigla kong mapansin ang isang presensya ng babae na naglalakad sa labas. Short hair. Unang tingin pa lang alam ko na agad kung sino.

Napatingin ulit ako sa orasan.

Di na ako nagugulat na ganitong oras ng pag-uwi niya. Ewan ko pero napapadalas na 'tong pag-uwi niya ng gabi. Hindi ko alam kung saan pa siya pumupunta, I mean, ano pa bang pake ko diba?

Minsan uuwi siya ng basang-basa, minsan naman uuwi ng gulo-gulo ang buhok. May isang beses pa nga na mukhang nag-shoot siya sa basurahan eh. Basta ang dugyot niya laging tignan.

Hindi ko na sana siya susundan ng tingin. Kaso.. Napansin ko yung likod niya.

"Dugo ba 'yon?" murmor ko sa sarili.

Pansin ko din namang hinang-hina siya maglakad habang papasok ng bahay gate nila.

Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at saka siya tatawagin sana ng biglang―

"Yah! Kim Daejung!" gulat na gulat kong sigaw mula sa kwarto ko.

Tangina, ano bang problema ng babaeng 'to?!

Bakit bigla siyang nahimatay?! At bakit.. Bakit ba kasi duguan yung likod ng ulo niya?!

 Bakit ba kasi duguan yung likod ng ulo niya?!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

hala :o

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now