✧ 027

516 29 8
                                    

DAEJUNG'S

Hinawakan ko ang ulo ko at saka minulat ulit ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, bakit? Aish. Paano ba ako napunta dito?

Si Jeongwoo..

Tumawag ba siya sakin kagabi?

Or nag-hahallucinate lang ulit ako..

Tumingin lang ako sa ceiling. Pilit na inaalala kung ano ba talagang mga nangyari kagabi bago ako matulog. Mga past 8 pm, nasa school pa din ako, naglalakad ako pauwi tapos nag-chat si Jeongwoo, tinawagan niya ako at sinagot ko 'yon.. Tapos?

Narinig ko namang mag-alarm ang orasan na nasa tabi ng kama ko. Tinignan ko 'yon at putangina late na late na late nanaman ako!

SHIT. SHIT. SHIT. SHIT. SHIT. SHIT.

Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa C.R. ng kwarto ko at naligo. Tangina talaga kasi pang-bente dos ko ng late 'to. Nakakahiya na din sa mga teachers potapwjenwkams. Ako 'tong pakipot na ayaw tumanggap ng mga special treatments nila pero lagi din naman akong late dahil sa kondisyon ko. AISH.

Pagkalabas ko ng banyo ay tumingin ulit ako sa orasan.

9:56 am na putangina aaaaaaaaaa!

BILIS DAEJUNG. BILIS.

Habang nagbibihis ay nagsimulang tumunog ng paulit-ulit ang cellphone ko. Sorry, kung sino ka mang nagchachat ka pero nagmamadali talaga ako, mamaya ka na.

"Daejung-ah, gising ka na ba? Bilisan mo na, tumawag nanaman sakin yung homeroom teacher mo!" rinig kong sigaw ni Mama muka sa baba.

"Opo!" tanging sagot ko na lang.

Tumatakbo na ako ngayon papuntang school. Putahabnida nga naman talaga, oo. Naramdaman ko nanamang mag-vibrate yung phone ko, aish.

Eto na nga oh, papunta na.

"Sa wakas.." hingal na hingal kong sabi sa sarili. Nandito na ako sa tawiran, oh my god.

Isang tawid na lang Daejung, nasa school ka na.

Tatawid na dapat ako, kaso nag-vibrate nanaman yung phone ko pero di tulad ng kanina, alam kong tawag na 'to imbis na chat. Agad kong kinuha na muna 'yon at agad na sinagot.

Sino pa ba, edi si Jeongwoo, hays.

"Ano ba?"

"Wow. Ikaw pa talaga ang galit ngayon?"

"Nasa tawiran na ako, ok? Bye na."

"Tawiran pa lang?! Hoy nag-promise ka sakin kagabi!"

Kagabi?

"H-Ha? Anong.. Promise?"

So hindi ko 'yon hallucinations? Wow.

"Ano ba 'yan, nakalimutan mo na agad? Pupunta tayong library ngayong second subject, since Science naman, para simulan na yung research paper natin."

"Ah.. Sige, wait lang, patawid na ako. Pumunta ka ng library."

"Eh? Wala pa yung partner ko, hintayin na kita."

"Aish. Ang kulit mo, mauna ka na nga, susunod na lang ako don. Sayang yung time oh."

"At sayo pa mismo nanggaling 'yan ha."

"Di ko ginustong ma-late ng gising, ok?"

"Psh. Bahala ka, basta pumunta ka ng library ah!"

"Oo nga, ingay. Tsk." at saka ko binaba ang call.

Habang tumatawid ay napaisip ako.

Bakit ganon.. Pag kasama ko si Jeongwoo o kausap ko siya, parang nalilimutan ng katawan ko na may sakit siya.

Dahil siguro sa kaingayan ng lalaking 'yon, sino ba namang di magigising dahil sa kanya.

Napangisi ako sa pag-iisip, tumakbo na ulit ako pagkapasok ng school at nag-madaling dumiretso sa classroom.

Napangisi ako sa pag-iisip, tumakbo na ulit ako pagkapasok ng school at nag-madaling dumiretso sa classroom

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

sorry, napapadalas ang narration. wala na
talaga din akong ma-update kaya puro eme
na lang muna AHAHAHAHAHA

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now