"Andami kong nakitang
rason para mahalin ka."
✦ He acted like he didn't want her
to be around but ended up staying
by her side no matter what.
✧ Park Jeongwoo.
TreasureLand Series
#4. Seoilteru 2020.
1 week have already passed ng ganon-ganon lang ulit. But unlike ng nakasanayan ko, hindi na ako palaging nakakatulog pag pauwi. Dahil siguro sa alam kong nasa likod ko lang si Jeongwoo, naglalakad, tsk.
Yeah, sa isang buong linggo na 'yon, kasabay ko siya umuwi. At may mga pagkakataon din na magkasabay din kaming pumasok.
Ayokong isipin na sinasadya niya kasi baka masabihan pa ako nito ng assumera, psh. Kaya hinahayaan ko lang.
Hindi din naman na kami masyadong nag-uusap, except na lang pag mangungulit siya tungkol sa research paper namin.
It's Monday today, pero absent ako.
Schedule ko kasi ngayon ng check-up, thrice in a year lang din naman nangyayari 'to so hindi naman masyadong hassle.
But this time, I don't know pero may masama akong pakiramdam..
Normally, tuwing nagpapa-check ako, umaabot ang pag-absent ko sa school ng 3-5 days. Andami kasing ginagawa sakin, may mga iilang tests na kailangan kong i-take tapos yung mga tuloy-tuloy na follow-up check-ups pa after that.
Umupo ako sa kama ko at saka tinignan ang oras sa cellphone ko, 7:12 am, sa baba noon ay agad na nag pop-up ang isang pangalan.
Kailan ba ako balak tigilan nito?
[1]Park Jeongwoo sent you a message. open | ignore
⋯
7:12 am
Jeongwoo hoy
Daejung onti na lang maniniwala na talaga akong crush mo ko, ano nanaman?
Jeongwoo feelingera mo
Jeongwoo ang aga mo magising ngayon ah, papasok ka na? sabay na tayo
Daejung sabay nanaman?
Daejung alam mo, umamin ka na lang sakin, di naman ako magagalit kung crush mo ako o ano
Jeongwoo sarap niyo pag-samahin ng mga katropa ko
Jeongwoo wala akong gusto sayo, ok?
Jeongwoo gusto ko lang makasigurado na hindi ka malelate ulit, onti na lang makaka-treinta ka na ng lates
Daejung ang oa mo! kalahati pa lang ng bente yung lates ko no!
Daejung tsaka di ako papasok ngayon kaya di mo na kailangang manigurado kung late ako o hindi
Jeongwoo tsk, hindi nga late, absent naman
Jeongwoo ang tamad mo talaga
Daejung sorry ha, hindi ko din naman ginustong magpa-check-up ngayon, psh
Jeongwoo check-up?
Jeongwoo bakit, may nangyari ba sayo?
Jeongwoo ayos ka lang naman diba?
Daejung ayos lang ako, daily check-up ko lang naman din 'to
Jeongwoo sigurado ka?
Daejung malamang AHAHA
Daejung sige na, pumasok ka na, paalis na din naman kami
Jeongwoo ok..
Jeongwoo ingat ka.
Daejung mhm, ikaw din
Park Jeongwoo logged out.
Daejung :) |
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.