✧ 009

587 38 17
                                    

DAEJUNG'S

Wag ka naman ng umiyak, Daejung. Ang drama mo masyado eh!

"Psst. Daejung! Nandito ka ba? Dala ko na P.E. Uniform mo." rinig ko mula sa labas ng cubicle.

Pinahiran ko ang mga luha ko. Nandito na si Jeongwoo, magiging ayos na din ang lahat Daejung, wag ka na umiyak.

"Pumasok ka.. Paki-abot sakin dito sa third cubicle."

"Ano? Papasok ako? Ayoko nga!" malakas na bulong naman ni Jeongwoo.

"Wala naman ng ibang tao dito, ayos lang 'yan. Iaabot mo lang naman sakin."

"Aish. Pag ako nahuli ah."

"Hindi nga 'yan."

Ilang segundo lang ang nakalipas ay kumatok siya sa pintuan ng cubicle ko.

"Tama ba? Nandito ka ba?"

"O-Oo.. Akin na." sabi ko at saka niya inabot sakin ang uniform ko mula sa ilalim ng pinto.

Halos mabawi lahat ng kaba ko ng maibigay niya sakin ng tuluyan yung P.E. Uniform ko. Thank you talaga, Jeongwoo.. Baka buong araw akong nagtigil dito sa cubicle kung hindi dahil sa kanya.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nakita ko pa din si Jeongwoo na nakatayo sa labas. Nakaharap siya sa pader, iniiwasang tumingin sa loob ng girl's comfort room. Napangisi naman ako dahil doon.

"Yah. Bilisan mo nga, parehas tayong late na sa Math. Naka-improper uniform ka pa.." imik niya.

"Eto na, sir."

Tuluyan akong lumabas ng comfort room habang dala-dala ang basang-basa na school uniform ko. Halatang nagtataka nanaman si Jeongwoo ng makita niya ako.

"Bakit pawis na pawis ka naman ngayon?"

Agad kong pinunasan ang mukha ko pagkatanong niya noon.

"At saka ano 'yan? Bakit may dugo sa palda mo?"

Shit. Bakit niya ba nakita pa 'yon?

"Ah, wala.. Mantsa lang 'yan."

"Anong mantsa? Halatang bago lang oh." sabay nito ang pagkuha niya sana sa palda ko na agad ko namang nilagay sa likod ko.

Puta, wag mong hahawakan 'to. Mga babae lang ang makaka-gets nito.

"'Yan yung dugo mula sa ulo ko. N-Nag-dugo kasi ulit siya kanina kaya itong palda ko na lang ang pinang-punas ko." agad kong palusot.

Mukha namang na-convince ko siya kaya tumuloy na lang kami sa paglalakad papuntang classroom. Binalot ko na lang gamit ang blouse ko yung palda kong may dugo para hindi na makita ng iba pang taong makakasalubong namin.

"Nga pala, bakit ka nasa comfort room? Tsaka anong di ka absent? Kailan ka pa ba nandito sa school?" tanong ulit niya habang naglalakad kami.

Andami namang tanong nito.

"Kanina pa.. Mga 7 am, nandito na ako." sagot ko.

Napatigil naman siya sa paglalakad, nilingon ko siya at binigyan ng nagtatakang reaksiyon. Mukha namang di siya makapaniwala sa sinabi ko.

"7 am? Nandito ka na?" tumango naman ako.

"Eh bakit ngayon ka lang papasok ng klase? Saan ka nag-stay?"

"Sa comfort room.. Kanina pa din ako nandoon." tanging imik ko na lang sa kanya at saka lumakad na ulit.

Wala pang nakakaalam.. Ni isa sa mga kaklase ko, wala pa.

Magegets kaya ni Jeongwoo? I bet hindi.

Magegets kaya ni Jeongwoo? I bet hindi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

magegets niyo kaya? i bet hindi.

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon