✧ 040

461 35 15
                                    

8:21 am

Jeongwoo
wala ka talagang balak pumasok?

Jeongwoo
akala ko ba papasok ka ngayon?

Jeongwoo
eh bakit nandiyan ka pa din sa
inyo?

Daejung
umiral nanaman 'yang pagiging
pakielamero mo.

Jeongwoo
umiral din nanaman 'yang pagiging
masungit mo, meron ka ngayon no?

Daejung
tf

Daejung
may klase na, tama na cellphone

Jeongwoo
wala ako sa klase

Jeongwoo
nasa labas ako ng bahay niyo

Daejung
engot, late ka na! bakit ka pa din
nandiyan?!

Jeongwoo
ano pa nga ba? edi malamang
hinhintay ka lumabas

Daejung
parang tanga talaga

Jeongwoo
labas.

Daejung
eto na nga oh, psh

DAEJUNG'S

"Yah, pabo! Umalis ka na―"

"Pabo ka din, bakit kasi sinabi mo sakin na papasok ka ngayon kung hindi din naman pala?" aba, siya pa 'tong galit ngayon.

Parang ewan si Jeongwoo ngayon na nakaupo sa may plantbox ng harapan namin, naka-uniform siya at suot-suot pa din ang backpack niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at saka ngumuso sa tabi niya, na para bang sinasabihan akong umupo doon.

Naka-pajamas pa ako't lahat, nakakahiya, bakit ba ako lumabas ng ganito? Aish, bwisit kasi, bakit ba naghintay dito 'tong lalaking 'to?

"Ano ba―" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang hawakan ang noo ko, yung isa naman niyang kamay ay nasa noo niya.

"Wala ka namang lagnat.." bulong pa niya.

Inalis ko kaagad ang kamay niyo sa noo ko at saka sumimangot ulit.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko.

"Oo. Mga 7 am pa."

"Yah!" sigaw ko habang pinalo siya ng malakas sa braso.

"Aray! Ano ba?! Masakit kaya!"

"Bakit mo ba kasi ako hinihintay? Hindi ka na ba makapasok ngayon ng school mag-isa?!"

"Eh bakit ba? Desisyon ko 'yon, ok?"

"Para kang tanga, gusto mo atang gumaya sakin."

"Di ah. Gusto ko lang pakielaman ka ulit." tinignan ko siya at nakita ko ang ngisi niyang may halong pang-aasar.

Natahimik kami ng sandali. Wala na atang balak pumasok 'tong katabi ko, tsk. Kung pwede lang ako pumasok, papasok talaga ako ngayon.

Kaso hindi na pwede.

"So, bakit absent ka ulit ngayon? May check-up ka ulit?"

"Wala na."

"Oh eh bakit di ka papasok?" andaming tanong naman nito.

Napabuntong hininga naman ako bago tuluyang humarap sa kanya at saka ngumiti ng pilit.

"Hindi na ako papasok, Jeongwoo." nararamdaman ko ang pag-init ng pakiramdam ko, ayoko na umiyak, please..

"Hindi na ako pwede pumasok ulit." imik ko ulit habang iniiwasan na ang tingin niya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong lumuha sa harapan ni Jeongwoo..

"S-Sorry.. Ahaha.." pagpipilit kong tawa habang patuloy na umiiyak.

Nakatungo lang ako, walang kaalam-alam kung may katabi pa ba ako o wala dahil wala na din naman akong naririnig na kahit anong ingay mula sa kanya.

Pero..

"Sshh.." pagtatahan sakin ni Jeongwoo, habang hinahaplos ang buhok ko..

Lalo akong napaluha habang ginagawa niya sakin 'yon..

All I ever wanted was this.

This feeling. Telling me it's fine. Making me feel as if everything's gonna be alright.

 Making me feel as if everything's gonna be alright

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now