✧ 016

577 35 17
                                    

DAEJUNG'S

Nandito ako sa locker ngayon, isa-isang nilalagay at inaayos ang mga gamit ko. Hindi ko maiwasang tumingin ng tumingin sa relos ko.

Ang weird. Walang nangyari ngayong araw.

Napailing naman ako sa pagtataka. First time ulit 'tong mangyari sakin. Ever since last month, araw-araw na lang akong inaata―

"Matagal ka pa ba diyan?" napayuko naman ako at napansin ang presensya ng isang lalaki sa tabi ng locker ko.

Sinara ko ang pinto ng locker ko at saka tuluyang nakita ang pagmumukha ng kapitbahay ko. Ano nanaman ba gusto nito? Buong araw niya akong minomonitor kahit na nasa klase kami, ang creepy, bigla-bigla ko na lang mapapansing nakatingin sakin amp.

"Hinihintay mo ko?" pagtatanong ko habang tinuturo ang sarili ko.

"Ay hindi, ako. Jeongwoo, matagal ka pa ba diyan?" at saka niya ako inirapan.

Attitude ka teh?

"Bilisan mo nga kumilos, uwing-uwi na ako eh."

"Edi umuwi ka na." sagot ko sabay alis.

Mukha namang aso 'tong si Jeongwoo ngayon, sunod ng sunod, aish! Binilisan ko ng onti ang paglakad, madami pa namang estudyante sa hallway since uwian na. Dumaan ako doon sa mga masisikip na daanan para mas lalong hindi niya ako masundan.

Don't tell me pati pag-uwi eh sabay kami.

Nakaabot na akong school gate na hingal na hingal. Jusko, tumakbo na ako non ha, wag niyong sabihin na nakasunod pa din sakin 'yong lalaking 'yon.

"Hoy! Bakit ba ang bilis mo maglakad? Putek, alam mong madaming tao eh." tangina, narinig ko nanaman yung boses niya.

Tatakbo na sana ulit ako, kaso lang agad niyang naabot ang backpack ko. Hinila niya 'yon papunta sa kanya, dahilan para tuluyan akong mapaharap sa presensya niya. At.. Ang lapit.

"Yah, Park Jeongwoo―"

Nahinto ako sa pagsasalita ng biglang mag-alarm ang relos ko.

5:17 pm. Wag, Daejung.. Please, wag sa harapan ni Jeongwoo.

"Hm? Anong meron, bakit nag-aalarm yung relos mo?" pagtatanong niya.

Hindi ko na inisip na sagutin 'yon.

Pilit kong pinikit ang mga mata ko, at sinubukang hindi huminga..

Please, kahit isang araw lang.

Maging normal naman ako.

yes po opo, nagiging daga talaga si daejung😔

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

yes po opo, nagiging daga talaga si daejung😔

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now