✧ 052

490 34 75
                                    

3 days later.

JEONGWOO'S

"Himala. Lagi na atang kami ang kasama mo." napatingin agad ako ng masama kay Mashiho hyung.

Tama naman siya, halos mag-iisang linggo na akong laging kasama nila, tulad ng dati, bago pa ako magkaroon ng pakielam kay Daejung.

"Hanggang kailan mo ba balak layuan si Daejung ha, Jeongwoo?" dagdag na tanong pa ni Hyunsuk hyung.

"Kaya nga, parang ginoghost mo na si Daejung sa ginagawa mo na 'yan eh." imik ni Yoshi hyung.

"Di naman.. Lagi nga kaming sabay pumasok tsaka umuwi." binubuhat ko pa nga din siya tuwing makakatulog siya habang naglalakad.

"Sabay nga kayo, lagi ka namang apat na metro ang layo sa kanya. Ano kayo, parang yung sa Five Feet Apart?" umiral nanaman 'tong katalinuhan ni Yedam hyung, pati ba naman layo nasusukat niya?

"Ang weird kasi pag kinausap ko siya." sagot ko, napatingin silang lahat sa akin ng masama.

"Weird kasi alam mong gusto mo siya. Lagi mo ngang sinisigawan 'yon noon tuwing hindi naglilinis eh."

"Sinisigawan.. Masyado bang malakas yung sigaw ko sa kanya? Nakakatakot ba?"

"Nakakatakot pero parang wala naman siyang pake sayo so.." at nagkibit-balikat lang si Dobi hyung.

Napabuntong-hininga naman ako. Masyado ba akong naging harsh sa kanya noon? Ewan ko ba, kaaway lang talaga kasi ang turing ko sa kanya noon. Bakit ba biglang nagbago, Jeongwoo?

"Umamin ka na kaya." nalipat ang tingin naming lahat kay Haruto na humihigop ng cup noodles.

"A-Ako? Aamin kay Daejung? Ayoko nga.."

"Tch. Torpe mo naman."

"Mukhang hindi naman kasi ako gusto ni Daejung. Para saan pa kung aamin ako sa kanya, diba?"

"Same." rinig kong bulong ni Junghwan. Wow, 'same' daw, siguro may nagugustuhan na din 'to.

"Grabe, kung sino pang mga bata satin, sila pa 'tong namomroblema about sa lovelife." naiiritang imik ni Junkyu hyung.

"Sorry, can't relate." sagot ni Jihoon hyung sa kanya. Nagkatinginan kaming lahat habang patuloy lang sa pag-kain niya si hyung.

Nanahimik na lang kami at saka nagpatuloy kumain.

Nagulat naman ako ng biglang may malakas na lumapag sa table namin sa side ko, sakto at nasa harap ko lang si Jihoon hyung kaya ayun, natapon sa mukha niya yung pagkain niya dahil sa gulat.

Pero napatingin lang kaming lahat sa babaeng nasa tabihan ng table namin, may backpack ng dala.

Umiwas kaagad ako ng tingin ng ma-realize ko kung sino ito.

"Yah, Park Jeongwoo. Tigil-tigilan mo na nga 'yang tantrums mo o kung ano mang tawag mo diyan sa pag-iiwas mo sakin. Hindi bagay sayo."

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now