✧ 051

498 31 37
                                    

DAEJUNG'S

Hindi ko alam kung ano nanamang rason nitong lalaking 'to para hindi ako pansinin.

I mean, kahapon kasi ang ingay-ingay niya tapos tawa lang siya ng tawa habang dinadaldal ako. Tapos kanina sabay kaming pumasok pero ni hindi man lang ako inimikan, tinitignan ko siya para senyasan kung anong problema pero ini-snob lang ako ni Jeongwoo.

Kaninang Science time, pumunta ulit kami sa library para sa gawin yung research paper namin, at aba yung partner ko gusto na atang mag-solo. Hindi man lang ako kinausap o tinanong about sa gagawin namin.

Tuwing lalapit ako sa kanya, lumalayo. Tatawagin ko, magkukunwaring hindi ako naririnig. Ni hindi niya nga din ako matignan, psh.

Siguro nilalayuan niya na din ako dahil sa sakit ko.

Pero diba siya 'tong nagsabi na gusto niyang lagi siyang nasa tabi ko? Eh ano 'yang ginagawa niya ngayon?

Kung hindi niya din naman paninindigan, dapat di niya na lang sinabi. Palibhasa ang daling magsalita pero pagdating sa gawa, wala.

Drama mo girl. Alam ko.

Aish! Bwisit kasi si Jeongwoo! Akala ko talaga may maasahan na akong tao ngayon ng dahil sa mga pinagsasabi at pinaggagawa niya. Katulad lang din naman pala siya ng iba.

"Umayos ka nga Daejung! Para kang nagseselos na girlfriend eh." murmor ko sa sarili. Parang tanga, self.

"Hello Dudang―" napalingon ako sa likod ko ng bigla kong narinig 'yon.

Hindi naman ako si 'Dudang' pero ang lakas kasi ng boses nung lalaki kaya di ko maiwasang mapalingon.

"Ano ba Haruto! Si Daejung 'yan, Daeju―"

"Tanga, umayos kayo nakalingon na satin oh."

"Hi Daejung!" bati sakin ng isang lalaki na mukhang senior namin at saka nag-bow.

Nag-bow din ako pabalik pero bakas pa din sa mukha ko ang pagtataka.

"Omo, siya pala si Daejung? Ang gand―"

"Taken na 'yan pre."

Kilala nila ako?

Pero hoy, hindi ako taken no!

Ang dami nila, puro lalaki pa. Medyo kinabahan ako ng manahimik silang lahat habang nakatingin pa din sakin. Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa.

Mga manyak ata 'to, puta.

"A-Ah, sige.." pilit akong ngumiti sa kanila at saka nagsimula na maglakad papalayo.

Oo, gwapo sila pero hindi pa din ako magpapa-manyak kahit kanino, aba.

"Hoy Jeongwoo! Yung bebe mo umalis na, sayang di mo nakita." napatigil agad ako ng marinig ko ang mga salitang 'Jeongwoo' at 'bebe'.

Gago?

Lumingon ako ulit sa kanila at sakto namang nagkatinginan kami ni loko. Nanlaki ang mga mata niya at nabitawan niya yung juice box na hawak-hawak niya, naiwan naman ang straw sa bibig niya kahit wala na siyang sinisipsip.

Malakas namang nagsigawan yung mga lalaking tumawag sakin kanina. Yung isang senior, natumba pa dahil sa gulat.

"Tangina, ayan ka nanaman sa kadugyutan mo Jeongwoo!"

"Dudong naman, ano ba?!"

"Nag-shut down ka ba bigla o ano? Sayang yung juice oh! Yung straw nasa bibig mo pa!"

Kumurap lang siya ng ilang beses habang nakatitingin pa din sakin. Napansin ata 'yon ng mga kaibigan niya dahilan para tumingin din sila sa direksyon ko.

Nag-iba ang mag ekspresyon ng mukha nila at bumalik ang tingin kay Jeongwoo.

"Aish.." may iba pang sinabi sa kanya yung mga kaibigan niya pero hindi ko na masyadong marinig.

Lumingon ulit sa akin ang isa sa kanila at sumigaw.

"Kim Daejung! Cru―" tila natauhan na bigla si Jeongwoo dahil agad niyang binatukan ang lalaki ng malakas, dahilan para hindi niya matuloy ang sasabihin niya sana sakin.

Kawawa ka naman kuya.

"Ang daldal mo, Jaehyuk hyung! Bwisit!" bulong nito dito, oo malakas siyang bumulong. Napatingin ulit sakin si Jeongwoo.

Hindi ko alam kung tungkol saan 'yon pero napangisi na lang ako habang nakatingin kay Jeongwoo at saka tuluyan ng lumakad papalayo.

Hindi mo ako malalayuan, Park Jeongwoo.

Hindi mo ako malalayuan, Park Jeongwoo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now