✧ Epilouge.

645 44 56
                                    

JEONGWOO'S

Nandito ako ngayon sa rooftop ng ospital kung saan dinala si Daejung. Pinapanood lang ang mga sasakyan na dumadaan sa highway at ang mga ilaw mula sa iba't ibang building na nagsisibukasan na.

Palubog na ang araw. Sakto sa pakiramdam ko.

Pumikit na lang ako at dinama ang hangin na dumadaan sa mukha ko.

"Daejung.."

Nakaramdam ako ng luha mula sa kabilang mata ko.. Kanina ko pa 'to pinipigilan pero hindi ko na kaya.

Napayuko na lang ako at humagulgol mag-isa.

Ang tagal kitang hinintay Daejung..

Pero bakit parang ginusto mong bumitaw?

Nung nakita ko yung tuwid na linya kanina sa monitor.. Tangina, biglang nablangko ang buong utak ko. Hindi ko alam kung anong dapat ko bang gawin pa sa puntong 'yon.

Ginawa ko naman na ang lahat.

Pero bakit dito pa din tayo nagtapos?

Ayoko na bumaba sa kwarto niya. Ayoko ng makita pa siyang nakahilatay doon. Ayokong tumatak sa isip ko yung itsura niya na nakapikit lang at para bang wala ng balak na gumising pa.

Daejung..

Bumalik ka..

Please.

"Anong ginagawa mo diyan?"

DAEJUNG'S

"Anong ginagawa mo diyan?" hindi siya lumingon..

Lalapit na sana ako kaso nagulat ako ng bigla siyang matumba sa kinakatayuan niya. Tinago niya ang mukha niya sa likod ng mga tuhod niya. Doon ako nakarinig ng malakas na iyak.

Hindi ko naiwasang mapatawa.

Eh kasi yung itsura niya, mukhang namatayan AHAHAHAHA! Dahil ba 'yan sakin? Aw, ang iyakin niya naman HAHAHAHAHAHA! Wala naman nagsabi sa kanyang patay na ako ah.

'Cause duh, hindi pa naman talaga ako patay. At mas lalong hindi ako nagmumulto no, tss.

"Yah, Park Jeongwoo!" natatawa kong sigaw sa kanya, napaangat ang ulo niya at nakita ko nanaman yung itsura niyang umiiyak pft, AHAHAHAHAHAHAHA!

Ngumiti ako ng sobra, kasabay nito ang pagtigil niya sa pag-iyak. Ang cute, mukha siyang tutang iniwan hshs.

Tumakbo agad ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"D-Daejung..? Hindi ka pa patay..?" humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin habang nakanguso.

"Pabo!" kasabay noon ang pagpitik ko sa noo niya.

Pinunasan ko ang mga luha niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Hoy iyakin, sino bang nagsabi sayo na patay na ako? Tumigil ka na nga, ang pangit mo lalo." at saka ako ulit ngumiti.

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now