✧ 059

500 33 15
                                    

JEONGWOO'S

"Ang weak niyo naman! Sabi niyo thriller, horror yung papanoorin natin? Eh bakit naging cartoons na 'yan?!" pagrereklamo ko kayna Jihoon hyung.

"Kasi gusto namin, bakit? Na kaninong bahay ka ba ha? Sinong mga mas matatanda sayo? Diba kami?" agad akong sinamaan ng tingin nilang dalawa ni Hyunsuk hyung at pinlay yung movie na pinapanood nila ngayon.

Napailing na lang kami nina Haruto at Junghwan, na-fake news kami ng mga gurang. Sabi kasi nila manonood daw kami ng bagong release na horror movie dito sa bahay nina Jihoon hyung kaya pumayag kami, kaso simula pa lang ng movie pinalitan na agad ni Hyunsuk hyung. Ang KJ diba? Dapat di na lang nila kami ininvite, tsk.

Ayan tuloy, yung lumang Alice in Wonderland na cartoons 'tong pinapanood namin. Mukhang tuwang-tuwa naman yung dalawa, tutok na tutok eh.

Yung mga katabi ko ngayon, puro cellphone na lang ang inaatupag. Sana all may ka-chat.

"Uy, parang si Daejung yung daga oh AHAHAHAHA!" agad akong napatingin sa screen pagkasabi nila noon.

Daga?

"Huh? Di ko gets." imik ko naman, anong meron sa daga?

"Wala, lagi kasing tulog kaya parang si Daejung."

"Ahh.."

Lahat kami ay natahimik pagkatapos kong magsalita.

Naramdaman ko silang nakatingin sakin habang ako, nakayuko lang sa pwesto ko.

"Oh, bakit bigla kang nalungkot Dudong? Tulog lang naman si Daejung diba?" ramdam ko ang pagtapik sakin sa likod nina Haruto at Junghwan. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila.

"Oo.. Tulog lang.."

Pero hanggang kailan?

DAEJUNG'S

Alam mo yung pakiramdam na kahit gusto mo ng gumalaw, gumising, eh hindi mo pa din magawa?

Lagi ko naman nararanasan 'to pero ewan, pakiramdam ko lang na gustong-gusto na gumalaw ng katawan ko kahit na alam kong hindi pa naman ako ganoon katagal na nakakatulog.

Alalang-alala ko pa kung paano ako bumagsak habang tumatawid. At yung mga sinabi ni Jeongwoo.. Naririnig ko pa din.

Hindi ko nga alam kung totoo pa ba yung mga naririnig at nakikita ko paminsan-minsan. Aware akong tulog ako, pero mas madalas, hindi ko na namamalayang nanaginip na pala ako.

Isa doon ay si Jeongwoo..

Sabi niya pinipicture-an niya daw ako, pero ang pangit ko daw. Sinamaan ko daw siya ng tingin nung sinabi niya 'yon pero tinawanan lang daw ako ni Jeongwoo, psh.

Tinanong ko siya kung gusto niya pa din ba ako kahit na ganito 'tong kondisyon ko. Nung una hindi siya sumagot, hindi niya ako pinansin.. Umalis siya.

Akala ko hindi na siya babalik noon, pero nagulat na lang daw ako ng mapansin kong may nakasabit na necklace na sa leeg ko. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay at kung paano napunta 'yon doon. Siguro nga, nanaginip lang ako.

Pero si Jeongwoo, bumalik siya at hindi tulad ng kanina, nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

Ang lungkot ng mga mata niya, kahit na pilit siyang ngumingiti sakin.

Hinawakan niya ang isang kamay ko..

"Gumising ka na Daejung-ah.."

Nakaramdam ako ng mabigat sa loob ko.

Ang bigat.. Parang hindi ako makahinga..

Gusto kong magsalita. Gusto kong kausapin si Jeongwoo. Gusto kong sabihin sa kanya kung anong nararamdaman ko ngayon.. Pero hindi..

Hindi ko kaya..

Jeongwoo..

"Daejung.. Please.."

Hindi na ako makahinga..

"I love you, Daejung.."

At sa isang iglap, nawala ang lahat..

Para akong nakalutang sa ere.

Hindi ko maramdaman ang sarili kong humihinga.

Nakarinig ako ng isang maingay at matinis na tunog..

Hindi 'to tumitigil.

epilouge na next :( sorry..

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now