✧ 028

538 33 51
                                    

10:51 pm

Jeongwoo
psst hoy

Jeongwoo
hoy asan ka na

Jeongwoo
pre, pinapabalik na tayong
classroom

Jeongwoo
3rd subject na natin huy

Jeongwoo
amputa di ako sinasagot | erase.

Jeongwoo
kahit seen wala man lang | erase.

Jeongwoo
DAEJUNG.

Jeongwoo
YAH KIM DAEJUNG!!

Jeongwoo
hahanapin na nga lang kita dito
bwisit |

JEONGWOO'S

At eto na nga, nagpaalam na muna ako kay Ma'am na hahanapin ko yung partner ko dito sa library since nagkahiwalay kami kanina. Ayos lang sana kung napakaliit nitong library kaso hindi, haha. A/N: imagine niyo na lang yung library sa Extraoradinary You, parang ganto 'yon hshs.

Lumakad lang ako ng lumakad at sinilip ang bawat ispasyo ng mga book shelves, baka sakaling nagbabasa kung saan yung babaeng 'yon.

"Daejung..!" pabulong-bulong kong tawag. Wala talaga siya kahit saan ako maghanap.

Nilayuan ko pa ang lakad hanggang sa may mapansin akong presensya ng isang babaeng nakayuko sa isa sa mga lamesa dito. Medium hair.

Agad akong lumapit at saka tinapik siya sa likod.

"Yah. Daejung, bakit di ka sumasagot sa messages ko ha? Time na oh, next subject na." tinapik-tapik ko ulit siya ng mapansin kong hindi pa din siya kumikibo. Nakatulog nanaman amp.

"Ang tamad mo talaga, aish. Late ka na nga nagising tapos nakatulog ka pa din dito? Halika na uy."

This time, umupo na din ako sa tabi niya at nilapit ang kamay ko sa noo niya. Pinitik ko 'yon pero syempre hindi gaano kalakas, baka masampal pa ako nito pagkagising niya eh.

Napakakunot ang noo ko ng wala pa din siyang reaksyon sa ginawa ko, tulog mantika pala 'to eh. Nanatili akong tahimik sa kinakaupuan ko at pinagmasdan si Daejung.

Napangisi naman agad ako ng makaisip ako ng magandang ideya. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at saka bumulong. Ayaw mo pang gumising huh.

"Oy. Gumising ka na. Sige, pag hindi ka gumising.." napatigil ako at napatingin ulit sa itsura niya. Naririnig niya kaya 'to?

"..Hahalikan kita."

PERO SYEMPRE SA PISNGI LANG NO. ABA, DI KO I-RIRISK YUNG FIRST KISS KO PARA SA BABAENG 'YAN ANO. PSH. Ayaw niya kasi magising eh! Ano pa bang pwede kong gawin? Tsaka lokohan lang naman..

Lokohan nga lang ba?

Puta, gumising ka na please. Parang tanga naman kasi Daejung, bakit ba ayaw mo gumising? Hindi mo ba narinig yung mga sinabi ko? Tae naman, gusto ata talagang magpahalik.

"H-Huy.. Bakit di ka pa din gumigising ha? S-Siguro, gusto mo talagang halikan kita no?"

Nakatingin pa din ako sa mukha niya hanggang ngayon, at katulad ng kanina, hindi ko pa din nilalayo ang presensya ko sa kanya.

Hinawakan ko ang braso niya at saka siya ginalaw-galaw ulit. Kaso ayaw talagang magising.

Titili kaya 'to kapag hinalikan ko siya?

Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan..

Hinawi ko ang mga buhok na nakapatong sa pisngi niya at.. Agadnanilapitangmgalabikoditoparatuluyansiyangmahalikan.

Humiwalay agad ako sa kanya at saka kinuha yung libro ko at hinawakan 'yon sa ibabaw ng ulo ko. Para safe ako kung sakali na magising siya at paghahampasin ako diba.

Naghintay ako ng ilang segundo para sa kahit na anong ingay na pwede niyang magawa habang nagigising. Kaso..

Wala talaga.

Sinilip ko ulit siya mula sa libro. Napakunot nanaman ang noo ko ng makitang wala siyang ka-reak-reaksyon. Kung ano yung pwesto niya kanina nung dumating ako, ganon pa din siya hanggang ngayon.

"Daejung..?" imik ko pero hindi na siya pabulong tulad ng kanina, kaya medyo malakas na ang pagkakatawag ko sa kanya.

Nilagay ko ang hintuturo ko sa ilalim ng ilong niya para makita kung humihinga pa ba siya o ano. Pero oo, normal pa din naman yung paghinga niya..

Bakit―

"Ah, hijo, kaklase ka ba ni Daejung?" napalingon naman ako sa matandang nagsalita.

"Opo.. Kilala niyo siya? B-Bakit.." nginitian lang naman ako ng librarian, anong ibig sabihin niyan?

"Hayaan mo lang siya dito, alam naman na ng mga teachers niya ang sakit niya. Bumalik ka na sa klase niyo."

"Po? Anong sakit.."

"Hindi ba niya sinabi sa inyong mga kaklase niya?" umiling naman ako bilang pagsagot ng 'hindi'.

"Ah.. Siguro ayaw niyang ipaalam sa iba."

"Pero pwede niyo naman sabihin sakin! K-Kaibigan niya naman po ako.."

"Sige, pero pangako mo sakin na hindi mo ipagkakalat sa iba."

"Oo naman po."

"'Yang kaibigan mo, may narcolepsy siya. Ngayon, bumalik ka na sa klase mo dahil late ka na.."

"..At siya lang ang makakagising sa sarili niya."

AHAHAHAHA parang ang bilis na ng mganangyayari dito shucks

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AHAHAHAHA parang ang bilis na ng mga
nangyayari dito shucks

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now