✧ 012

586 33 41
                                    

DAEJUNG'S

"Ma, papasok na po ako." pagpapaalam ko kay Mama bago umalis. Lumapit naman siya agad sa akin at inabot ang isang maliit box.

"Eto, nandiyan na lahat ng kailangan mo ha? Take your me―"

"Ma, magiging ayos lang po ako." pagputol ko sa sasabihin niya and then smiled. Kita ko naman ang pag-aaalala sa mga mata niya. I hugged her tightly at saka tuluyan ng lumabas.

Binuksan ko ang gate habang humihikab, napatigil naman ako dahil doon. No, maaga pa masyado. Bulong ko sa sarili at saka tumuloy sa paglalakad.

"Hoy." rinig kong imik ng isang malalim na boses sa tabi.

Nilingon ko 'yon habang kinukusot ang mga mata ko. Ano namang ginagawa nito dito? Gusto niya bang makasigurado ngayon na hindi ako malelate? Sus.

"Maaga ako ngayon, pwede ka na umalis." sagot ko naman.

"Alam ko. Tara na."

Nagulat naman ako ng bigla niya akong tinulak para maglakad. Kailan pa kami naging close? Ang alam ko kasi kapitbahay at kaaway ko lang 'to eh. May magkaaway bang sabay pumasok ng school?

"Yah. Anong ginagawa mo? Bakit ka sasabay sakin?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Bilisan mo na lang lumakad."

Napakunot ang noo ko, sorry pero di ko talaga gets.

"Oy. Nakita mo naman ng maaga ako umalis ng bahay namin, hindi mo na kailangan panoorin pati pagpasok ko sa school."

"Ang ingay mo naman maglakad! Ganito ka ba lagi?"

"Ano―"

"Sabi ko naman sayo, hindi ko na hahayaan na ma-bully ka ulit nila kaya simula ngayon, sabay na tayo lagi papasok."

Hay. Eto nanaman siya, nangengealam nanaman.

"Park Jeongwoo. Hindi ko alam kung kanino mo narinig o sinong nagsabi sayo niyan pero ako ang paniwalaan mo pwede? Hindi nga ako binubully!"

"Tsk. Ayos lang 'yan, nandito lang ako kapag kinailangan mo ulit yung tulong ko, ok?" at saka niya naman tinapik-tapik ako sa likod.

Nauna na siyang maglakad kaysa sakin habang sinundan ko lang siya ng tingin. Nakatigil lang ako sa kinakatayuan ko at nakatingin pa din kay Jeongwoo habang nakakunot ang noo. Ka-lalaking tao nito pero ang pakielamero, grabe.

Kaya ko naman ang sarili ko!

At saka, mukha ba akong magpapa-bully? Jusko.

Lumingon ulit sakin si Jeongwoo, ngumiti pa si loko.

"Tara na. Kaya late ka lagi eh, ang bagal mo maglakad." imik pa niya.

Tinaas ko naman ang kamay ko at saka siya tinaboy-taboy, tumalikod ulit siya sakin at nagsimula na ulit akong maglakad.

Tumingin ako sa wrist watch ko.

Wag ngayon, please.

Wag ngayon, please

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now