✧ 045

474 35 36
                                    

DAEJUNG'S

Nag-aayos pa ako ng sarili ko dito sa loob ng kwarto, habang si Mama naman ay nandoon sa mag pinto at nakangiti sakin.

"Hm?" imik ko sa kanya.

"Masaya lang ako na nandiyan si Jeongwoo para sayo."

Napangiti naman ako pabalik kay Mama.

Ako din, masaya din ako dahil nandiyan si Jeongwoo.

"Ang tagal!" iritang sabi ng kasama ko habang nakaupo nanaman doon sa may plantbox ng harapan namin.

Maya dala ngang unan, pft. Natawa ako sa dahil doon, narinig kong mag 'tsk' si Jeongwoo bago tumayo.

"Oh." imik niya ulit habang inaabot sakin yung neck-pillow na dala-dala niya.

Walang nagsasalita samin habang naglalakad papuntang park, ewan ko pero ayos lang para sakin. Minsan lang tumahimik si Jeongwoo kaya susulitin ko na 'to.

Nakaupo na kami dito sa isang bench dito sa park, kumakain ng ice cream. Napatingin ako sa kasama ko, ang dugyot nanaman niya oh.

"Huy. Ang pangit mo lalo." natatawa kong sabi sa kanya, tinignan niya ako na parang nagtataka.

Tinuro ko sa kanya yung tabihan ng labi ko, nakuha niya naman kaagad kung anong ibig sabihin ko kaya pinahiran niya gamit ng ng tissue ang tabihan ng labi niya.

Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa mga ulap, ang ganda kasi, lalo na't palubog na din yung araw.

Napahikab naman ako bigla. Naramdaman kong tumingin sakin si Jeongwoo.

"Gusto mong umuwi na?" tanong niya. Umiling naman ako habang kinukusot ang mga mata ko.

"Mukhang inaantok ka nanaman eh, halika na sa inyo." tumayo siya at lumapit sakin, tinignan ko lang siya habang kumakain pa din ng ice cream.

"Ayoko pa umuwi. Dito muna tayo."

Umupo siya ulit, pero sa tabi ko na ngayon.

Dinama ko naman ang hangin sa mukha ko, mas lalo akong inaantok, ano ba 'yan. Napapikit ako dahil dito.

Naramdaman ko namang may kumuha ng kinakain kong ice cream kaya agad kong minulat ang mga mata ko at tumingin katabi ko.

"Yah! Bakit mo kinain 'yan?! Ice cream ko 'yan eh!" sigaw ko sa kanya.

Mabilis niyang inubos 'yon at sa harap ko pa talaga, punyeta. Pinalo ko siya ng tuluyan niyang maubos 'yon, tumayo siya at tinapon ito sa basurahan, habang ako nakatingin lang s akanya ng masama.

Uminom siya at tumingin sakin, "Gusto mo?" parang tanga talaga amputa.

"Pagkatapos mong inuman na 'yan? No thanks."

"Arte mo, tara na." sumimangot lang ako lalo sa kanya.

Walang tigil na ako sa paghihikab, hindi pa kami nakakaalis dito sa park. Antok na antok na din ako, aish.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla namang pumunta sa harap ko 'tong si Jeongwoo at umupo.

"Ginagawa mo?"

"Ano pa ba? Edi ihahatid ka sa inyo."

"Ha?" pagtatanong ko habang kinukusot ulit ang mga mata ko.

"Wag ka ng maarte, sakay sa likod ko."

"Yuck! Ayoko nga~" no, no, no, no, no!

Ayoko magpabuhat sa lalaking 'yan no, psh. Kaya ko naman maglakad!

Tumayo ulit siya at iritang humarap sakin. Kinuha niya mula sakin yung neck-pillow at nilagay 'to mula sa likod ng batok ko. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at saka tumalikod sakin.

Binaba nito ang katawan niya at sa isang saglit ay buhat-buhat na ako ni Jeongwoo sa likod niya..

"Bwisit ka~"

"Para kang lasing."

"Psshh!"

JEONGWOO'S

"Yah." imik ko habang nililibot ng kamay ni Daejung yung mukha ko.

Parang ewan 'to, hindi naman siya ganito antukin nung mga nakaraang araw ah. Dinaig pa ang nakainom, tsk.

"Mmhm." ramdam ko ang pag ngisi niya ng mahawakan niya ang buhok ko sa may noo. Hinaplos niya ito ng dahan-dahan..

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong uminit ang mukha ko sa ginagawa niya. Gago Jeongwoo, kinikilig ka na ngayon kay Daejung? Amputa.

"H-Hoy.. Tigilan mo nga 'yan, ginugulo mo lang yung buhok k―"

"Sshhh!!" kasabay nito ang mahina niyang paghampas sa noo ko. Tignan mo 'to, inaantok na nga pero nanakit pa din.

"Jeongwoo-yah~"

Puta, ang cute.

"A-Ano? Tsaka anong 'Jeongwoo-yah'? Magkaaway tayo no.."

"May tanong ako.."

"Ano?"

"Gusto mo ba ako?"

Ako?.. Gusto ka?

Hindi ko alam..

Hindi ko alam

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now