✧ 055

474 35 21
                                    

JEONGWOO'S

Dapat na ba akong umamin o wag na lang muna?

Aish. Kahit kailan talaga sina Jaehyuk hyung, ayan tuloy napapaisip nanaman ako ng tungkol sa nararamdaman ko kay Daejung..

"Ano? Titigan mo na lang ba ako diyan?"

"Bakit? Di ba pwede? Tch, sungit."

"Mag-focus ka kasi! Para matapos na kaagad 'yan."

"Yes, Ma'am." at inirapan lang ako ng kasama ko.

Hindi mo ba nahahalata?

Isang linggo na akong nagpapatulong sa kanya dito sa research paper namin, kahit nga pag weekends pumupunta ako sa bahay nila para lang dito.

In short, nagpapansin ako sa kanya kahit walang pasok.

Pero parang wala lang sa kanya.

Lagi naman niyang nakikita akong nakatingin sa kanya, kahit na nasa klase pa kami o nasa cafeteria. Pero palagi niya lang din akong tinataboy at sinasamaan ng tingin.

Oras-oras na din akong nag-chachat kay Daejung.

Hindi mo pa din ba nahahalata?

"Daejung."

"Hm?"

"Anong magiging reaksyon mo kapag.. May nagsabi sayong gusto ka niya?"

"Ewan. Baka makatulog siguro ako."

"Yah." napatingin ulit ako sa kanya at natatawa lang siya habang binabasa pa din ang papel na hawak niya.

Oo, maganda siya sa ginagawa niyang 'yan, pero pwede bang sagutin niya naman ako ng maayos? Kinakabahan kaya ako..

"Ano nga kasi? Eto naman, nagtatanong ako ng maayos―"

"Sumasagot din naman ako ng maayos ah."

"Psh. Pero tumatawa ka.." murmor ko.

"Bakit? Gusto mo na ako no?" nakita ko ang pag-ngisi niya, parang trip-trip lang sa kanya ang lahat..

Habang ako dito, seryoso na sa nararamdaman ko.

"Asa ka naman."

"Tsk tsk. Alam mo, kung may gusto ka na talaga sakin, sabihin mo na. Maiintindihan ko naman kung bakit." sagot niya ulit at saka natawa nanaman.

"Psh. Wag na nga, di ka naman seryoso sumagot." napasimangot ako at saka bumalik sa ginagawa ko.

"Ok, edi eto, seryoso na.."

"..Kung may gusto ka sakin, mas maganda kung sasabihin mo na ngayon habang hindi pa ako nakakatulog ulit." saktong pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nag-alarm ang relos niya.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. Pero sigurado ako sa isang bagay..

Sasabihin ko na sa kanya ngayong araw.

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒWhere stories live. Discover now