✧ 048

470 32 38
                                    

12:46 pm

Daejung
luh hoy

Daejung
pumunta ka sa may girl's
comfort room??

Daejung
gagi wala ako diyan AHAHAHA

Jeongwoo
wow ha

Jeongwoo
naghintay pa ako dito sa labas

Daejung
sorry😶✌

Daejung
nandito ako sa likod ng school

Jeongwoo
ahh, so nag-cutting ka?

Jeongwoo
DI MO PA BINABALIK YUNG
HALL PASS

Daejung
chill vice president, ibabalik ko din
'to ok? tsaka di ako nag-cutting

Daejung
i mean, oo nag-cutting ako pero di
sadya 'yon no

Daejung
nakaidlip ako ng kaunti sa comfort
room tapos nagising ako saktong
lunch na, kaya dito na lang ako
dumiretso

Jeongwoo
tsk tsk, papunta na ako diyan

Daejung
bakit?

Jeongwoo
anong bakit?

Daejung
ayos naman na ako, bakit ka pa
pupunta?

Jeongwoo
sasamahan ka, dala-dala ko na
din lunchbox mo

Daejung
pakielamero ka talaga!

Daejung
pati bag ko binuksan ng walang
paalam!

Jeongwoo
ok

"Mag-lunch ka na."

"Tsk."

"Ang arte mo talaga, maldita pa."

"Kesa naman sayo na pakielamero."

"At least may pake ako sayo diba."

"Edi wow."

"Di ka kakain?"

"Hindi. Bakit, gusto mong mag-share
niyang baon mo?"

"Buraot ka lang eh. Oh, kumain ka."

"Aw, di ako matiis."

"Ew."

Ayun na nga ang nangyari, naghati kami
sa baon ko, hay. Sabihin na nating buma-
bawi lang ako sa kanya pagkatapos niya
akong bantayan ng ilang araw hanggang
ngayon.

"Jeongwoo, na-curious ako, kailan mo
nalaman yung tungkol sa sakit ko?"

"Nung nasha libwawy tayo."

Nabubulol pa oh, may laman kasi ang
bibig.

"Library? Paano?"

"Shinabi shakin nung libwawian."

"Ano? Pero diba―"

"Sinabi sakin nung librarian bago
ako tuluyang umalis, may narcolepsy
ka daw at lahat-lahat kaya wala din
daw magagawa yung paggising ko
sayo doon."

"Paggising sakin? Ginawa mo 'yon
nung nasa library tayo?"

"Oo nga! Jusko, paulit-ulit Daejung?
Diba, minessage kita non kung nasaan
ka ba tapos di ka naman sumasagot,
edi ayun hinanap kita sa loob ng library
tapos tinry ko gisingin ka nung nakita
kong tulog ka doon sa isa sa mga table
nila."

"So totoong hinalikan mo ako noon?"

"Oo―Hindi ah! Bakit naman kita
hahalika―"

Tangina. Ang daldal talaga Jeongwoo!

"Para gisingin ako, tama ba?"

Tinitigan ko siya ng seryoso habang pilit
na iniiwasan niya naman yung mga
mata ko.

"Yah, Park Jeongwoo. Bakit mo ko
chinachansingan habang tulog huh?"

"Hoy, hindi! Grabe, hindi ako manyak
para chansingan ka no! Malay ko bang
di ka pala nagigising, edi sana di kita
hinalik―"

"Tss. Ewan ko sayo."

Deny ka pa huh.

"Kinilig ka siguro."

"A-Ano?! Anong kinilig? Ako? Hah!
Saan? Sayo? No thanks!"

"Oo na, daming sinabi. Kumain ka na
nga lang."

Puta.

Parang tanga naman kasi Jeongwoo!
Bakit mo ba sinabi sa kanya ng hindi
nag-iisip?! Aish. Nakakahiya tuloy!

Ano na lang iisipin ni Daejung? Jusko.

Teka.

Bakit ganito..

Hindi naman ako nag-aalala dati sa
kung anong iisipin sakin ni Daejung.

Bakit ngayon..


left side: dudong | dudong's povright side: daejung | daejung's pov

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

left side: dudong | dudong's pov
right side: daejung | daejung's pov

DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz