4: A Different Kind Of Horror

24.9K 636 148
                                    

P A T

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

P A T

It's been a couple of weeks since Justin transferred to Dawson. Nothing much has changed and he never talked to me again after that night outside the campus.

Papalapit na rin ang Foundation Day. Everyone is excited and preparing in full blast because it's also the school's 25th Anniversary which makes it more special. You can already feel the festivity. Marami nang mga posters at mga makulay na palawit all around the campus. In between classes and during lunch breaks, nagpapatugtog ng mga party songs sa lahat ng speakers sa school at sabay-sabay namang magtatalunan ang mga estudyante as if they were in an actual party.

I'm not much of a party person, pero maski ako ay nahahawa sa vibes na mayroon sa school. Tapos na rin kasi ang exams namin, kaya wala na kami masyadong pinoproblemang school stuff. Literally everyone is just looking forward to our intramurals.

"This is so fun! Sana laging ganito!" hiyaw ni Mads habang naglalakad kami papunta sa cafeteria during our lunch break. "Mas masaya pa 'to kaysa sa School Fair last year."

I wasn't really hungry pero sumama pa rin ako sa kanila kasi wala naman akong ibang pupuntahan.

I was sitting alone at our usual table habang nakapila naman sila sa concessionaire, when I felt my phone vibrate.

It was a text from an unknown number.

FROM: Unknown Number
Diet?

Huh? Sino naman 'to? I squinted at my phone and texted back.

TO: Unknown Number
Sino ka?

Nagulat naman ako nang bigla na lang dumaan si Justin, at saktong tumigil sa harapan ko. "Pat." Ngiti niya, na para bang wala siyang ano mang atraso sa akin.

"Justin," sagot ko.

He chuckled lightly, and then casually handed me his yogurt.

"What's this?" I asked as I grabbed the cup from him.

"Yogurt?" he answered with a shy smile, before walking away with his newfound friends who are all also part of the varsity team.

Buti na lang at nakalayo na siya nang muling makabalik sina Mads at Ganja dahil agad nila akong dinumog nang makitang nanggaling siya sa table ko.

"Oh, my God! Was that Justin?!" naghihingalong sigaw ni Ganja pagdating nila sa table ko.

Si Mads naman ay mabilis na dinampot 'yong yogurt na nakapatong sa mesa. "He gave you this? Why?" nagtatakang tanong niya habang iniikot-ikot 'yong cup sa kamay niya na para bang hinihintay itong magsalita at sagutin siya.

"Hmm. Ewan ko. You can have it." Kibit-balikat ko.

Hindi ko rin alam kung anong trip ni Justin. I know that he knows I like yogurt. He always gave me one back when we were dating. But why give me one . . . now?

Pursuing Pat (Dawson University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon