22: Sana All

15.4K 362 119
                                    

P A T

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

P A T

Lunch break na namin at may usapan kami ni Justin na sasabay raw siya sa akin papuntang cafeteria. Nang matapos ang klase namin kay Miss Belle ay agad ko siyang t-in-ext at sinabihan na sasalubungin ko siya sa labas ng E-Hall, pero kanina pa kami naghihintay nina Mads at Ganja at hindi pa rin siya dumarating.

"Sure ka ba sa ginagawa mo, mamsh? Hindi ba masyadong masochistic?" tanong ni Mads habang naglalakad kami papuntang cafeteria matapos ang sampung minutong paghihintay.

Kinuwento ko sa kanila na nagkausap na ulit kami ni Justin at humingi na siya ng tawad sa akin, pero hindi ko na binanggit sa kanila ang tungkol sa kasalukuyang problema nito dahil hindi naman nila 'yon kailangang malaman. Buong akala tuloy nila ay gustong makipagbalikan sa akin ni Justin kaya ito nakipag-ayos.

"Sabi ko nga sa inyo, magkaibigan na lang talaga kami. May girlfriend na siya kaya huwag niyo nang isipin kung ano man 'yang mga iniisip niyo ngayon," suway ko sa kanilang dalawa.

Pagkapasok namin sa cafeteria ay nagulat ako nang makitang nando'n na si Justin. He reserved a table for all four of us at bumili na rin siya ng pagkain para sa aming lahat.

"Ay, wow," bulong sa akin ni Ganja.

"Friends lang pala, ah? Bakit pati kami binibilhan ng food?" mapang-asar na tanong naman ni Mads.

Siniko ko silang dalawa at nahihiyang naglakad palapit kay Justin. "Nag-text ako sa iyo, ah? Sabi ko hihintayin kita sa E-Hall. Kanina pa kami ro'n," reklamo ko, sabay upo sa harapan niya.

"Sorry, ngayon ko lang nabasa. Nauna na 'ko rito, eh," paumanhin niya. "Bakit diyan ka nakaupo? Ayaw mo 'kong katabi?" tanong niya nang mapansing hindi ako sa gilid niya pumuwesto.

"Oo nga naman, mamsh. Dito na kami ni Ganj. Do'n ka na sa tabi niya. Dali, chupi!" malakas na taboy naman sa akin ni Mads na agad hinila ang bangkong inuupuan ko kaya muntik pa akong sumubsob sa mesa.

Wala na akong choice kaya tumayo na lang ako at lumipat sa tabi ni Justin bago pa ako kaladkarin no'ng dalawa. Wala naman sigurong masama kung magkatabi kaming magla-lunch. Naka-move on na naman ako sa kaniya at siguro akong gano'n din siya sa akin.

I sat on his left and when I looked at him, he already has a huge grin on his face like a kid who just got a bike for Christmas. "Tawa ka diyan." Irap ko.

"Hahaha. Na-miss nga kasi kita," aniya. "Oh, yogurt." Abot niya sa akin.

Alam nilang lahat na mahilig ako sa yogurt. Kung bubuksan mo nga 'yong mini fridge ko sa kuwarto ay puro yogurt lang ang laman no'n. Napailing na lang ako nang makita kong nagngingitian sina Mads at Ganja habang nakatingin sa aming dalawa. Mga loka-loka talaga.

Nasa gitna na kami ng pagkain nang biglang bumukas 'yong sliding doors at pumasok si Axl sa cafeteria kasama 'yong dalawang block mates niya sa Engineering na hindi ko maalala ang mga pangalan.

Pursuing Pat (Dawson University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon