20: Café Americano

14.8K 370 220
                                    

P A T

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

P A T

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Axl. I deliberately ignored him for weeks, but here we are now . . . picking up where we left off and spending time with each other again as if the last few days didn't happen.

No'ng nagpaulan ng karupukan . . . nagtampisaw yata ako.

Hindi maalis sa isip ko 'yong sinabi niya na gusto niya akong maging girlfriend niya. Ibig sabihin ba no'n, nililigawan na niya ako? Wala naman siyang sinabi, pero gano'n na naman 'yon, 'di ba?

Kasalukuyan kaming nakatambay sa studio at tinuturuan niya akong mag-gitara. Marunong na naman ako pero 'yong talagang basic lang. Hindi gaya niya na halos karugtong na yata ng gitara ang mga kamay.

"Hmm, huwag mo masyadong diinan. Huwag din masyadong magaan. Saktuhan mo lang," payo niya. Para kasing sabog 'yong tunog ng mga chords sa tuwing sinusubukan kong mag-strum.

"Masakit, eh," reklamo ko.

"Masakit talaga 'pag masyadong madiin," pagsang-ayon niya naman.

"At anong kababuyan 'yan?!" malakas na tanong ni Denver na kakapasok lang sa studio. Nakasuot pa siya ng backpack at halatang kakarating lang sa campus. "Masakit 'pag madiin? Ikaw talaga, kung ano-anong tinuturo mo sa bata!" suway niya kay Axl, na tumawa lang at napailing. "Pat, may naghahanap pala sa iyo sa baba. Importante raw," abiso niya naman sa akin.

"H-Ha? Sino?" tanong ko naman.

"Hindi ko natanong, eh. Basta 'yong bagong varsity," sagot ni Denver, tapos ay inilapag na niya ang bag niya sa sahig at saka kinuha ang gitara niya mula sa stand nito para malamang ay mag-practice na rin.

"Ah, okay," sagot ko.

Tingin ko ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Wala naman akong ibang kilala sa mga miyembro ng varsity maliban kay Justin.

Pero ano naman kayang kailangan no'n sa akin?

"Puntahan mo na. Mamaya na lang ulit natin 'to ituloy," bulong ni Axl. Tumayo siya at saka ibinalik sa lagayan nila 'yong mga gitarang ginamit namin. Gaya ko, sigurado akong alam niya na rin kung sino 'yong naghihintay sa akin sa baba.

"Uhm, okay. See you . . . mamaya?" alinlangang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano na ba ang dapat kong asahan sa kaniya.

Tumango lang siya sa akin at hindi na nagsalita pa samantalang kani-kanina lang ay napakadaldal niya. Siguro ay tinubuan na siya ng hiya ngayong nandito na rin si Denver at nakikinig sa amin.

"O-Okay, see you," sagot ko. "Bye, Denver," paalam ko sa kanila.

Dinampot ko ang bag ko mula sa sahig at mabilis na lumabas ng studio upang puntahan si Justin. Ano naman kayang kailangan niya? Ngayon ko na nga lang ulit nakausap si Axl, naudlot pa tuloy.

Pursuing Pat (Dawson University Series #1)Where stories live. Discover now