Chapter 1

524 10 0
                                    


"Sa wakas! Tangina!" masaya kong saad sa mga kaibigan ko paglabas ng Ruaño. Kakatapos lang ng finals exam namin para sa first sem at sa wakas makakapahinga na rin!


"Sana naman may ipasa ako! Ilang araw din ako nagpuyat para sa exam na 'yon!" sabi naman ni Navi. As if di siya papasa eh ang talino niya kahit hindi mag-aral! DL kaya yan lagi! For all I know kaya yan napupuyat ay dahil madalas 'yang umiinom.


Inakbayan kami ni Gab sabay sigaw ng, "Tara inom!"


"Oo nga! Uhaw na ko sa alak pucha!" singit naman ni Xav.


"Kala mo kung sinong di na nakakapag-inom!! Parang last week lang gumagapang ka na pauwi ah!!" Pang-aasar ni Ari. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang maalala ang nangyari.


"Gusto niyo pa mag-inom after that draining finals?!" reklamo ko. I really wanted to stay in my condo and rest, andami na kasing sched sa mga susunod na araw tsaka nalusaw utak ko sa finals kingina!


"Sus papayag ka rin naman reklamo ka pa!" Navi said. She really knows me, kahit anong tanggi ko rin naman eh di sila papayag, magpapabebe pa ba ko? Gusto ko rin naman, slight.


"Pasakay sa car mo ha! Punta na lang ako sa condo mo! Bye!" ani Navi sabay takbo kaya hindi na ko nakatanggi.


"Ako rin ha!" Ari said as she ran bringing Quin with her.


Gagawin pa akong driver ng mga 'to eh may sarili rin namang kotse si Navi! Hindi tuloy ako makakapaglasing kasi siguradong ako ang  magd-drive pauwi at mag-aalaga sa wasted kong friends! Buti na lang high tolerance ako!



"Anong oras tayo mamaya?" nagulat ako nang magsalita si Gab, bahagya siyang natawa dahil don. Kala ko sina Xav at Quin ang kasabay niya, pareho kasing sa Dapitan yung condo namin kaya madalas rin kaming magsabay.


"Ewan, tanong na lang natin sa gc mamaya." sagot ko naman. He nodded as a response.


Habang naglalakad kami nakita kong pangiti-ngiti siya at nakita kong itinago niya ang cellphone sa bulsa. Weirdo talaga ng tangang 'to, he's like a brother to me. He's good-looking, funny and very smart, no wonder a lot of girls or maybe guys too like him . Kaso may nakabihag na yata ng puso niyan eh, di ko sure.


"Bakit pangiti-ngiti ka jan? Pogi mo sana weirdo ka lang." natatawa kong tanong sa kanya.


Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya at iniwas ito nang kaunti sa akin at nang ibalik niya ang tingin ay medyo namumula ang pisngi niya. May sakit ba 'to?


"Ba't namumula ka naman ngayon? Di naman masyadong mainit ah? Kilig ka sa kalandian mo no?" sunod-sunod kong tanong.


"Kalandian ka diyan." I heard him murmur.


"Gusto mo malaman?" seryoso niyang sabi at bumaling sa'kin.


Napakunot ang noo ko dahil sa seryosong pagkakasabi niya no'n. "Bakit?" seryosong tanong ko naman sa kanya. Problema nito?

Courts and ConstructionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon