Chapter 8

249 9 0
                                    


Sobrang bilis ng araw hindi ko alam kung bakit! Sobrang busy na rin namin palibhasa ilang linggo na rin lang ay finals na, ang daming pahabol na requirements ng prof! Kinakaya ko pa naman at sa tingin ko ay ganoon din ang mga kaibigan ko dahil minsan nagyayakag pa rin silang uminom.


Tinotoo talaga ni Lex yung panliligaw niya, minsan nga pinapagalitan ko na siya kasi nagyayakag pa siya mag-date eh malapit na yung defense nila, hindi ko alam kung paano niya naisisingit yung mga dates namin sa sched niya.  Okay lang naman ako kahit saan niya yayain pero mas gusto ko yung coffee at milk tea dates kasi nakakapag-review ako habang nalandi.


I like him. Crush ko siya I think? He's my type gaya ng sabi ko noon sa club, yung unang meeting namin. Ang gwapo kaya ng gagong 'yon! Tatanggi pa ba ko? Matangkad siya, matangkad din naman ako para sa height ng babae pero hanggang tenga niya lang ako. Ang ganda pa ng taste niya sa music kaya magka-vibe kami ang saya kasi ng pinapakinggan namin, Hambog ng Sagpro krew is d best! Charot!


"Oh asan manlulugaw mo?" tanong ni Xav habang naglalakad kami papunta sa kainan.


"Ewan, Ghinost na ata ako." pambibiro ko. Heto nga't ka-text ko.


"Aba! Teka! Hahanapin ko ang ulupong na 'yon! Masusuntok ko 'yon! Tara Quin! Xav!" si Gab, ready na manuntok. Si quin naman ay natatawa alam na nagbibiro lang ako.


"Hoy mga tanga! Ang OA ha! Joke lang 'yon!" hinila ko sila dahil ready na talaga maghanap yung dalawa. Natawa naman si Navi at Ari.


"Hay kayo talaga ang OA niyo! Kung i-ghoghost 'tong kaibigan natin" tumigil siya saglit at tumingin sa'kin "EH MGA TANGA KAYO BAKIT SUNTOK LANG?!" pagloloko ni Navi. Sabay-sabay kaming tumawa dahil doon.


Masaya ang friends ko para sa'min, close na nga sila nina Ari at Navi eh, yung boys naman medyo protective! Lowkey pinagbabantaan nila si Lex na sila ang makakaharap pag sinaktan ako. Cute lang! I love my friends! Minsan kasama rin namin siya kumain pag nagkakasabay ang break namin.


Napatingin ako nang mag-text muli si Lex.


From: suitor na panget

Hello :)

Pinalitan ko ulit yung contact name niya kase trip ko lang.


To: suitor na panget

From the other side?

Walang kwenta kong sagot.


From: suitor na panget

Date tayooo :((


Tingnan mo si gago, minsan clingy, minsan grabe kung mang-asar parang tropa niya lang ako! Di ko siya sagutin eh! But that's what I like about this "relationship" parang tropa pero mararamdaman mongmay iba. Ewan ko ba! Not yet sorting out my feelings for him.


To: suitor na panget

Who u sis?

Courts and ConstructionsOn viuen les histories. Descobreix ara