Chapter 6

242 8 0
                                    


The week went by quickly, parang noong Lunes lang nagrereklamo kami sa sobrang daming plates na kailngang gawin, ngayon naipasa na namin ang mga 'yon. Friday na at kakatapos lang ng huling klase namin, antok na antok ako sa buhay ni Rizal ebarg!


"Your birthday's next week, anong plano mo?" tanong ni Gab sa'kin. Nawala na sa isip ko pati ang birthday ko sa sobrang daming iniisip.


"30? Saturday 'yon." sabi naman ni Quin.


"Friday night, inom tayo. Siguradong kakain sa labas ang pamilya ko. I'll also invite my high school friends." 'yon lang ang naiisip kong gawin para ilibre sila. Tumango naman sila sa plano ko.


I haven't seen Lex for days now, Martes ang huli kong kita sa kanya pero seryoso silang nag-uusap ng mga kaibigan niya kaya hindi ko na tinawag, hindi niya rin naman ata ako nakita. He still texts me always pero madalang na, he often asks me where I am.


There's something wrong about his texts, it felt...cold. Though he has no obligations to me so I didn't mind that. But dont tell me, galit pa rin siya kasi pinilit ko siyang pakainin nung pagkain ko ha! But there's only one way to find out.


To: Lex

Are you busy? Tara Macao. :)

Binago ko na yung contact name niya kasi ang formal tingnan kapag may apelyido eh close naman na kami.


From: Lex

Ok.


He replied after a few minutes. See?! If he wasn't angry ay aasarin niya ko o kaya mas mahaba ang reply niya! Bumaba na agad ako pagkabasa sa reply niya para ako naman ang maghintay ngayon, aabangan ko na siya sa lobby. I waited for a few minutes at nakababa na rin siya, bahagya siyang nagulat nang makitang naroon na ako.


Lumapit siya at nagtanong "Kanina ka pa?"


"Ilang minuto pa lang." tumango naman siya at umuna nang lumabas at pumunta sa Macao.


Siya ang pinaghanap ko ng upuan at ako ang umorder, I'll treat him this time. Peace offering maybe? I ordered his favorite.


Kahit maraming tao ay hindi ako nahirapang hanapin siya dahil matangkad siya. He was also looking at me noong nakita ko siya. Ibinaba ko na ang inumin sa lamesa, I'm trying to catch his gaze pero panay ang iwas niya!


Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at iniharap sa'kin which forced him to look at me. Binitawan ko rin 'yon dahil nangangalay ako. "Galit ka?" tanong ko. Umiling naman siya at uminom. Kakainis! Tingnan mo 'to!


"Galit ka." that was a statement, hindi ko na siya tatanungin ulit dahil halata naman sa kanya.


"Hindi nga, kulit." umirap pa siya pagkasabi non. I chuckled which made him look at me again. Tumigil naman agad ako at nagseryoso.


"Sorry." I sincerely said.


"BakIt?" tanong niya tila nagtataka kung bakit ako nagso-sorry.

Courts and ConstructionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon