Chapter 12

246 6 2
                                    


To the minor readers this chapter might not be suitable for you. I advise you to skip the last part. Please read at your own risk.



The first half of second sem has  been a blur. Marami pa ring requirements pero nagagawa ko naman ahead of time, I think if there's something I'm good at, it would be time management. Hindi ko rin alam kung paano ko nababalanse lahat, nililista ko lang naman yung mga dapat kong gawin saka yung deadlines tapos gagawin ko kung ano yung malapit na yung deadline at kung kaya pa eh kahit matagal pa ang pasahan ginagawa ko na rin.


"Sa'n internship niyo?" tanong ni Ari. Nakatambay kami ngayon sa gazebo sa harap ng Ruaño, hinihintay namin sina Gab dahil bumibili sila ng pagkain namin.


"Ewan ko pa," sagot ko naman. Hindi ko pa sure kung sa'n ako basta hindi sa kompanya namin, baka sabihin pang may special treatment ako roon just because my parents are the owner.


"Still undecided." sabi naman ni Navi nang hindi kami tinitingnan. Nagre-review din kami dahil may quiz sa C.E Law mamaya kaya nagprisinta na sina Gab na bumili ng pagkain dahil nakapag-review naman na raw sila saka sa carpark lang naman sila bumibili.


"Ikaw Ari?" I glanced at her then asked.


"Wala pa rin akong idea, kaya ko kayo tinatanong." sabi niya at ibinalik na ang tingin sa iPad na hawak niya. Mukhang pare-pareho kaming wala pang plano ah, maybe I should start reseaarching para masabihan ko na sila at kung posible eh magkakasama kami


After a few minutes, dumating na sina Gab at Quin dala ang mga pagkain namin, it's from chicken lang ang sulit dahil may fries, rice at chicken tapos drinks kaya tipid na rin.


"Where's Xavi?" tanong ko nang mapansing wala si Xavi.


"Ewan umalis eh may kukulitin pa ata." sagot ni Quin na natatawa, nagkibit balikat na lang ako roon at kumain.


Dumiretso na rin kami sa room pagkatapos kumain after that we went to the Lab for Hydraulics, we conducted an experiment there. Ganito ang takbo ng mga araw ko this sem, lectures, recits, quizzes, lab activities at kung ano-ano pa. This sem is so fast-paced hindi na namin namalayan na April na.


"Happy Birthday, love." Lex said while hugging me from behind then kissed the side of my head. Hindi ko namalayan ang pagdating niya dahil busy ako sa pagluluto ng pasta. Wala ang parents ko ngayon kahit Sunday at birthday ko pero naiintindihan ko namang busy sila sa trabahao, tumawag pa rin naman sila via FaceTime kanina.


I just want a simple celebration at nasa condo lang ako, marami namang kainan sa labas pero trip ko magluto. Lex has a spare key of my unit dahil siya ang madalas mag-alaga sa'kin pag lasing ako saka he can go here anytime.


"Thank you, babe." sabi ko at hinarap siya tapos ay niyakap. Ang bango naman nito! Samantalang ako ang dugyot dahil sa pagluluto. I just wanna hug him and smell his scent all day, namiss ko rin siya dahil huling kita namin ay last week pa. "I missed you." i said while hugging him tighter.

Courts and ConstructionsWhere stories live. Discover now