Chapter 7

236 8 0
                                    


I woke up to a loud ringing sound, I was trying to findi where it's coming frome with my eyes closed pero hindi ko makapa kaya iminulat ko na ang mata ko. Nang tingnan ko ang caller i.d ay nakita ko si Mom na tumatawag, agad kong sinagot 'yon habang minamasahe ang snetido ko upang mabawasan ang sakit. Fucking hangover ano ba pinag-iinom at ginawa ko kagabi?


"HAPPY BIRTHDAY TO MY 20-YEAR OLD BABYYYY!!!" nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw ng nanay ko sa kabilang linya.


"Kagigising mo lang ba?" tanong niya sa nag-aalalang tono.


"Yes Mom, hangover." pag-amin ko. Alam naman nilang nagpa-party ako kagabi at sanay na silang umiinom ako, sinasabihan lang nila akong wag sosobra.


"We'll have lunch to celebrate para makauwi ka rin sa condo mamayang hapon. Papunta na si Kuya Lando dyan para sunduin ka."


"Ok, mom." I agreed.


"Bye love, see you later!" pagpapaalam niya at pinatay na ang tawag. Nang tingnan ko ang oras ay alas diez na pala. Iniwan ko na ang phone ko sa kama para uminom ng tubig at maligo, mamaya na lang ako magtha-thank you sa mga bumabati.


While taking a bath, memories of last night came flashing in my thoughts. How Navi kissed a guy she probably doesn't know, Ari's wasted figure lying on the couch at sina Ali na naroon kagabi at ang mga kwento nila sa'kin. Natawa ako sa mga naalala ngunit hindi nakatakas sa memorya ko ang pag-alalay ni Lex kagabi, at ang bigla niyang pag-amin sa mga nararamdaman.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi niya 'yon, ang mga pasimpleng banat niya ay hindi ko naman nilalagyan ng malisya dahil iniisip ko na baka ganoon siya sa lahat, mabait kasi 'yon.


Hindi ko alam kung paano siya haharapin, I don't know what to say nor feel pero inaamin ko na nadismaya at nagtampo ako dahil hindi siya sumaglit man lang sa imbitasyon ko. I felt rejected.


Gumaan ang pakiramdam ko pagkaligo, tinuyo ko ang buhok ko at nagbihis. I wore a black sleeveless flares jumpsuit, white open toe block heels and brought my white prada shoulder bag. Naglagay rin ako ng light make up at saktong pagkatapos ko magbihis ay nagtext na si kuya Lando na nandoon na raw siya sa baba. I got my keys and phone saka pumunta sa kotse.


"Saan daw po tayo?" tanong ko kay kuya Lando nang makapasok sa sasakyan.


"Surprise daw po ma'am." sabi niya sabay ngiti. I nodded slightly getting excited. Mas exciting kasi sana kung nakapiring ako tapos dadalhin ako sa abandonadong lugar, bubugbugin at hihingan ng ilang milyon ang mga magulang ko. Natawa ko sa sariling iniisip, kidnapping pala amp.


I busied myself reading the birthday messages of my family, friends and acquaintances then thanked them right away. 


Lex greeted me early in the morning saying "hbd.", I think he's trying to act normal even after last night to not make things awkward. Alam kong nang-aasar lang siya kaya ganyan ang bati kaya nireply-an ko siya ng "ty." at may kasunod na middle finger emoji.

Courts and ConstructionsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora