Chapter 10

260 7 0
                                    


Lex is turning 22 on the 30th, isang linggo na lang 'yon pero wala pa rin akong naiisip na regalo sa kanya halos meron na rin kasi siya ng lahat! Ang galing dahil parehong 30 ang birthday namin meant to be na ba kami n'on? Hindi pa namin napag-uusapan ang plano niya sa birthday niya.


"Hi! I'm here. I brought food for us!" he cheerfully said that pulled me out of my reverie.


"Luto mo?" tanong ko dahil nakita ko ang mga tupperware na dala niya. Masarap siya magluto pero mas masarap pa rin ako. Magluto.


"Yes." maikli niyang sagot habang inilalapag ang mga dala niya sa lamesa.


"Ayoko baka may gayuma yan!" pagbibiro ko.


"Gagayumahin pa kita eh gusto mo na naman ako." he shrugged. Ang kapal talaga ng mukha nito! Hinampas ko siya sa braso kaya natawa siya.


"Kapal ng apog mo gurl!" sabi ko naman. "Just stating the truth sis." he said in an as-a-matter-of-fact tone then shrugged. The confidence of this guy!


We ate the food he brought then we watched movies all day at nang maggabi ay umuwi na rin siya, it became our routine for the whole week pero minsan ay hindi ko na siya pinapagdala ng pagkain dahil nagluluto ang mga kasambahay namin. Nagyon ay hindi siya pumunta dahil may aasikasuhin daw siya.


"What's your plan for your birthday?" tanong ko noong tumawag siya dahil tatlong araw na lang ay birthday niya. I'm at the mall today trying to find a gift for him and buying clothes for myself kesa mabored ako sa bahay.


"Uhmm club sa 29 with my friends and you'll come tapos sa mismong birthday ko date tayo hehe wala pa magulang ko no'n, 31 pa ang uwi nila." sabi niya sa'kin.


"Wow sure ka? Paano hangover mo?" natatawang ani ko. He'll get wasted for sure.


"Dinner pa naman 'yon saka anong tingin mo sa'kin, mahina?" pagyayabang niya habang hinahampas ang dibdib. Napairap ako sa kawalan habang tumitingin ng damit. Yabang!


"Yabang mo! Sige na I'll hung up na." I heard him say bye then I ended the call.


Sinundo niya ko ngayong gabi para sa celebration na gaganapin sa club around Makati. I wore a black long sleeve mesh party dress, I let my hair down and curled the tips. I wore my black single strap heels and put light make up then brought a silver clutch.


"Bye mom and dad! I'll just text kuya Lando to fetch me!" paalam ko sa mga magulang ko na nanonood ng t.v.


"Enjoy Callista! Don't drink too much!" sabi ni mom. Nginitian ko sila at tumango at lumabas na 'ko.


He's already outside wearing a black dress shirt with its sleeves folded up to his elbows and three buttons left unbuttoned. He partnered it with his denim jeans and white sneakers. Ang fresh lang!

Courts and ConstructionsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora