Chapter 21

268 3 1
                                    



"Merry Christmas!" bati ko kay dad at sa mga kasambahay namin nang mag-alas dose.  The house helpers who don't want to go home stays here and celebrates the holiday with us.


Binibigyan din namin sila ng kanya-kanyang regalo pero kami ni dad ay hindi na nagbibigayan ng regalo dahil meron na naman kami ng mga kailangan namin. We also couldn't bring ourselves to exchange gifts without mom, it's never the same without her.


Kumain na kami ng mga inihandang pagkain. I also helped in making deserts and after that we go to bed. Ganoon lang ang pagsalubong namin ng Nochebuena, pareho pa rin naman, wala nga lang si mom. We miss her everyday especially during the holidays, she makes everything fun.


Tuwing umaga ng Pasko ay maaga kaming gumigising dahil pumupunta kami sa isang ampunan para roon idaos ang Pasko. We give gifts and host a simple party with games that kids enjoy. We started doing this after I got back from the U.S. years ago.


"Paalis na kami, sa'n ka na?" tanong ko kay Navi nang sagutin niya ang tawag ko pagkatapos naming ilagay ang mga regalo at pagkain sa loob ng van.


Navi always joins us whenever we go to the orphanage, turns out she's been doing it before because of her love for kids. Sumasama na lang siya sa'min ngayo para makasama na rin kami ni dad.


I heard her close the car door in the background, "Papunta na rin ako. Baka mauna kayo, bibili pa ako ng cake eh. Sama rin daw si Levi, nagpapasundo pa si gago." pagpapaalam niya.


"Ok. Ingat ka ha!" pinatay niya na ang tawag matapos magpaalam.


We arrived at the orphanage and as soon as we entered the venue, the children shouted and cheered. They look so excited!


"Ate Calli!"


"Hala Ayan na sila!"


"Waaaa!! Excited na ko sa games!"


Ilan lang 'yan sa mga narinig ko sa sigaw nila. Lahat sila ay natuwa sa pagdating namin, nilapitan ko naman sila kaya nagtatakbo sila sa'kin para yakapin ako. My heart is full whenever I see that they're excited and happy to see us.


"Hi! Kumusta kayo?" natatawa pa ako habang sinasabi 'yon dahil panay pa rin ang yakap nila sa akin.


"Ayos naman po! Namiss po namin kayo Ate!" sigaw ng isa.


"Awww, na-miss ko rin kayo!" sagot ko naman. I also missed them so much! Lalo na't mas naging busy ako sa trabaho, nawalan na ako ng oras bumisita rito.


"Eh ako ba hindi niyo na-miss?" narinig kong sigaw ni Navi kaya napatingin doon ang mga bata, lalo silang nag-ingay noong nakita kung sino 'yon.


"Ate Navi!"  sigaw nila habang papunta kay Navi para yakapin siya.


Courts and ConstructionsWhere stories live. Discover now