Chapter 30

301 3 1
                                    


"Tanginamo! Sa wakas!" napatayo si Matt nang mapatapat sa'kin ang bote na pinaikot niya. Kanina pa kasi kami naglalaro pero ngayon lang ako natapatan. Lagi tuloy sila ang nagtru-truth or dare dahil sa kanila lagi napapatapat.


"Natapatan din si gago!" Segunda naman ni Rael at nakipag-apir pa kay Matt. I scoffed at their reaction.


Lana devilishly smiled at me. "Truth or dare?" Parang may masamang balak ah?


Tinaasan ko naman sila ng kilay at tumingin sa bote bago ibinalik ang tingin sa kanila. "Truth." I confidently answered. Wala naman silang makukuhang matinong sagot sa'kin.


Napakamot sa ulo si Matt. "Corny wag 'yon! Dare na lang."


"Pinapili pa 'ko ha." I snorted. "Shot na lang ako." I compromised. Baka kung ano pang ipagawang katangahn ng mga 'to sa'kin.


"Wag ka ngang KJ pare!" mahina akong sinuntok ni Rael sa braso.


Tinaasan ko naman sila ng kilay. "Anong dare?" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay naglapit-lapit sila para magbulungan. Tumatango-tango pa sina Aira at tumitingin pa sa akin. Baka gaguhin ako ng mga 'to ah.


"Heto madali lang." panimula ni Aira. Itinaas ko ang isang kilay ko, nagtatanong. "Ask for a girl's number."


"Ayan ha ang dali na no'n!" tinulak pa ako ni Lana bago siya uminom ng isa pang shot.


"That's it?" pagmamaliit ko sa naisip nila. "Kahit sino?" tanong ko pa.


"Ikaw bahala tol... Tinutulungan ka na namin magka-jowa." nagkibit balikat si Matt. Tumango naman ako at iginala ang mga mata.


I actually don't have to look for someone because I already found her, matagal na. Swerte ko lang talaga dahil narito rin siya kasama ang mga kaibigan niya at katapat pa ng couch namin. Apat silang nasa couch, umalis yung mga kaibigan niyang lalaki kanina lang, tingin ko ay si Navi yung may kahalikan sa kabilang dulo ng couch habang yung isa naman ay parang babagsak na.

Courts and ConstructionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon