1

10.9K 29 11
                                    

; IMPERFECTIONS

“Ingatan mo siya, Binalewala niya ‘ko dahil saiyo..." pag-kanta ko sa room, wala pa kasi si Ma'am rito sa classroom kaya naka-tambay muna kami.

“Nawalan na ng saysay ang pag mamaha—"

“Ah ah naman Kira!" hindi ko na natapos ang pag-kanta ko ng biglang sumigaw ang isa kong kaklase.

“Itigil mo na nga iyang pag-kanta-kanta mo!" Dag-dag nito. Halata pang iritadong-iritado ito dahil sa kaniyang tono. 

“Ang pangit-pangit pa naman ng boses" saad pa ng isa.

“Buti sana kung maganda ang boses. E' hindi. ‘Pag kuma-kanta parang may nakantang demonyo!" Hanggang sa sundan na ng kung sino-sino.

“Napaka-ilusyunada" bulong nila.

“tsk, pa-pansin."

Napa-tungo na lamang ako sa mga sinasabi nila. Hindi dahil lamang dahil sa ayaw nila ay ititigil ko na ang pag-kanta ko. Para kasi sa akin, Singing is the only way to express your emotions. All of us have our own way to make ourselves happy. And of course, all of us deserves to be happy.

One Day...

“Hey boy, look. I'm gonna make this simple for you. You have two choices... Yes or Yes" pag-kanta ko muli. “Oh oho oho oho... Na pu regegana, tiga Yes or yes... Oh oho oho oho... Na pu regana tiga Yes or Yes." akmang ibu-buka ko na sana muli ang aking bibig upang kantahin ang next lyrics nang biglang sumigaw ang isa kong kaklase.

“Ayan na-naman siya. Da-dali ka na-naman, Kira."

“Please, Kira. Itigil mo na. Baka umulan pa. Wala pa naman akong dalang payong" ani babae kong kaklase.

“Ang sakit sa tenga, Kira."

“Tapos, iba pang language ang gamit. Tsk, hindi bagay." reklamo muli nila isa-isa.

Kung noon, wala akong magawa kung hindi ang tumungo na lamang sa kanila. Ngayon naman ay ngumiti na lamang ako sa harapan nila at nag salita.

“Okay" simpleng sagot ko. Nasaktan ako sa mga sinabi nila pero anong magagawa ko kung pangit talaga ang boses ko?

Another Day...

“Is there any Students having a talent here in our class? You can share it in front." Saad ni Ma'am, mayroon kasi kaming requirements ngayon sa Mapeh kaya kailangan naming mag-share ng talent. Agad na nag-hiyawan ang mga kaklase ko. Halatang excited na excited sa mga mangyayari.

“Ma'am, si Kira" agad nag ka-salubong ang kilay ko ng isigaw ng kaklase ko ang pangalan ko.

“Ay oo nga, Ma'am"

“Go, Kira" then they laughed like there's something funny.

“Ngayon mo ilabas ang boses mong sing-panget ng kabayo." ani lalaki kong kaklase na nag
pa tawa sa buong klase.

Ngunit, imbis na umiyak dahil sa sinabi nila ay ngumiti ako at sinakyan ang trip nila.

“Haha. Sige ba" agad naman akong tumayo at naglakad papuntang harapan habang ramdam ang mga bulungan at tawanan ng aking mga kaklase saaking likuran.

Humugot ako ng malalim na hininga bago kumanta. “‘Cause, baby our love will come back someday. Only heaven knows." Kanta ko with feelings at pabirit pa ngunit nagsi-tawanan lamang ang mga kaklase ko. Ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng kamay ko ngunit hindi ko na lamang pinansin.

“Kira. Haha. Grabe.."saad ng lalaki na halatang sayang-saya. Parang mahi-himatay na siya sa pag-tawa sa sobrang saya.

“Ang pangit talaga ng boses mo" dag-dag nito kaya muling nagsi-tawanan ang buong klase. I just chuckled bitterly on what he said bago nanlalamig na dineretsyo ang pagkanta.

“‘Cause, all i can do is hope and pray... That heaven knows." agad kong kinagat ang pang-ibabang labi nang matapos ang kanta at mangiyak-iyak na tumungo ngunit hindi parin mawala ang ngiti saaking labi kahit na pilit.

Another Day Again...

“Kira, alam mo. ‘Wag ka ng kumanta." agad nagka-salubong ang kilay ko sa sinabi ng kaibigan ko habang naglalakad kami tungo sa canteen. 

“Oo nga, ang pangit kasi." pagsang-ayon ng isa. Tumigil naman ako sa paglalakad at seryosong hinarap sila. Their eyes were full of seriousness and calmness kaya napa tango na lamang ako at bumuntong hininga.

“Okay..."

Another Day Again And Again...

“Kira, ‘Wag ka nala‘ng kumanta. Mag lip sync ka  na lang para kala-kala kuma-kanta ka. Pa-pangit kasi ‘yung kanta natin ‘pag nakisabay ka pa." ani Leader namin sa tle, meron kasi kaming jingle na by groupings at ngayon na ipe-present.

Ayoko naman maging pasaway at baka bumagsak pa kami kaya napa-tango na lamang ako kahit nasa-saktan na‘ko.

Another Day Again And Again And Again...

“Gusto kitang isayaw ng mabagal" bigla kong pag-kanta ng malakas sa loob ng room na nagpa-gulat sa lahat. Agad silang tumingin ng matalim saakin.

“Puta, naman, Kira" agad akong natigilan nang marinig ang sinabi ng lalaki kong kaklase.

“Alam mo, Kira. Hindi na naka-katuwa." napa-kurap-kurap ako. Literal na nagulat sa pag re-real talk saakin ng kaibigan ko.

“Ang pangit-pangit ng boses mo. Sana isang araw, hindi na namin marinig ‘yang napaka-pangit mong boses. Nakaka-sawa." pagda-dasal niya na nagpakirot sa puso ko.

Alam ko naman na ang lahat ng pangla-lait na naririnig ko sakanila ay biro. Purong kalokohan at walang personalan. Pero habang tumatagal, pa-sakit na ng pasakit ang mga salitang bini-bitiwan nila. Hindi nila alam na naka-kasakit na sila.

Oo, alam ko na talagang matagal nang pangit ang boses ko. Lagi kong naririnig na boses lalaki raw ako, malagong ang boses ko at iba‘t-iba pa.

Masakit saakin because they are making fun of others imperfection. Lahat ng bagay may dahilan kung bakit ginagawa nila ang ganung bagay. At tulad ko, may dahilan rin ako, i will only live a week from now. May taning na ang buhay ko.

Iyun ang dahilan kung bakit ganun na lamang ako magsi-sikanta. Dahil for sure, that would be my last.  Sa pamumuhay ko rito sa mundo,  I don‘t like singing, I don‘t even sing. Pero noong nalaman kong may taning na ako at ilang araw na lamang sa mundo.

I think that maybe now, kahit pa-paano. Magawa ko ng kumanta. Kahit ganto ang boses ko..

But I think, I chose the wrong decision. Dahil sakit at lait lang ang naranasan ko. Hanggang sa dumating na ang araw na kina-katakutan ko. Ang araw kung kailan mawa-wala na ako.

“Mom.. This is my time." naka-ngiting saad ko saaking Ina. Naka-higa ako ngayon sa kama habang si Mommy ay umiiyak.

“Go Baby, Rest now. I will miss you." She sobbed in sadness and pain. Ayaw na ayaw ko ang umiiyak ang mama ko pero wala na'kong magagawa.

Kasabay naman nuon ay ang pag sakit ng dibdib ko at pag-hirap ko sa pag-hinga. Tahimik akong umiyak at pinikit ang mga mata. What i‘ve exprience makes me realized one thing. Don‘t ever let them see your imperfections because that would be their armord to make you down.

Hanggang sa matagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakapikit hanggang sa tuluyan nang hindi magising.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED

EDITED.

___

Follow me on my Social M:

Twt: @Im_kley_a
Ig: @_klexx.p
Facebook: Kleah Pei Cadavillo

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now