ONE SHOT #38

383 5 0
                                    

REAL LOVE


Alam nyo yung salitang 'Paawa?' si Lia yun. Pano ko nasabi? Basahin nyo nalang



"K-kurt inaaway ako ni Jin oh" sumbong nya sa Boyfriend nyang 'gangster' daw kung baga. Bahagyang napakunot noo ako, ako? Anong ginagawa ko sakanya?




"Hoy Jin, ano nanaman bang ginawa mo kay Lia huh? Akala ko ba tapos na Yan?" Paangas na Sabi sakin ni Kuya, girlfriend ni Kuya si Lia at lagi akong napgti-tripan ng pavictim na Lia na Yan at ito namang kuya kong ta-tanga tanga naniniwala.



"Kuya, Hindi ko yan inaano huh" tanggi ko kaagad kaso hindi naniwala si Kuya at pinaningkitan ako ng mata. Bahagya akong napalunok, Alam Kong nakakatakot na si Kuya nuon pa man dahil lagi syang kasali sa mga underground fighting o sa mga fraternity.



"Isa nalang Jin, makakatikim kana" banta saakin ni Kuya bago nya hilahin ang pinakamamahal nyang si Lia paalis. Agad na lumingon sakin si Lia at binelatan pa ako. Tamo, ang kapal talaga ng biatch na yan!


----


Nakaupo lang ako dito sa Salas ng bahay habang nag s-scroll sa fb ng bumaba si Kuya at tumingin sakin gamit ang galit na Mata. Bahagya akong nagtaka. Anong meron?



"HOY JIN! ANO TOH HUH?" galit na sigaw ni Kuya habang hawak-hawak ang cellphone ng girlfriend nyang si Lia na may naka post na nudes picture nito at may naka caption pang '1K LANG OH SINONG MAY GUSTO?'. Well, bakit pa ba ako magugulat? Ganun naman talaga sya.



Pero ang ikinagulat ko ay ang nag post nito. Bakit ako? Bakit picture at pangalan ko ang nakalagay dyan?


"K-kuya Hindi ako ang may gawa nan---"



"ANONG HINDI HUH? KITANG-KITA NAMAN! ALAM MO IKAW JIN MATAGAL NA AKONG NAGTITIMPI SAYO EH, SIMULA NG LUMIPAT DITO SI LIA LAGI MO NA SYANG GINAGANYAN"




"E-eh kuya h-hindi nga ak---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla akong lapitan ni Kuya at sinikmuraan sa tyan. Agad akong namilipit sa sakit.



"POPROTEKTAHAN KO SI LIA SA LAHAT NG MAKAKAYA KO, KAHIT IKAW NA SARILI KONG KAPATID. AKALA KO MAIINTINDIHAN MO AKO! PERO HINDI KAYA HINDI NA AKO MAG DA-DALWANG ISIP GAWIN SAYO ITO!" sigaw nya kasabay ng pagsuntok sa panga ko.



Agad akong napahiga habang ramdam Ang sakit at Ang dugong dumadaloy pababa sa muka ko. Agad nya itong sinundan ng uppercut, tadyak at suntok kung saan-saan.



Pilit kong binubuksan ang mga mata ko hanggang sa maaninaw ko si Lia sa may hagdan na tuwang-tuwa sa nangyari sakin. Nang mapansin nya akong nakatingin sakanya agad syang pumalakat ng takbo papalapit si Kuya para awatin gamit ang may awang muka.




Akala ko tutulungan nya ako, pero agad din syang sumugod saakin sabay sabunot sa buhok ko. Agad akong namilipit sa sakit. Ramdam ko ang luha kong nasa muka ko na. Dire-deretsyo ito, Hindi na matigil.




"Para ito sa pang ta-traydor mo saakin" Sabi ni Lia sabay suntok sa muka ko. Muli akong napahiga. Shet, feeling ko mamatay na ako. Hindi pa sya nakuntento duon sinundan nya din ng tadyak, pangsisiko at uppercut.




"Tama na yan, hayaan mo na sya. Siguro naman natuto na sya ngayon" pag-aawat ni Kuya Kay Lia. Agad syang tumigil at tumingin uli sakin ng galit na galit.



"Kulang pa yan Jin sa lahat ng ginawa mo sakin Kaya asahan mong hindi pa Ito ang huli" Sabi nya sabay higit Kay Kuya paalis. Naiiwan nanaman ako ditong nag-iisa, naiwan nanaman akong nasisi at nasaktan. Hanggang Kailan ako magiging ganito?




Ramdam ko ang hapdi at sugat sa muka at katawan ko, Hindi na ako makaaninag ng maayos dahil sa suntok. Naaninaw ko din sa sahig ang mga dugong kumawala saakin. Hindi ko masisisi si Lia, dahil sa totoo lang kasalan ko kung bakit sya nagkaka ganyan.




Malaki ang tiwalang binigay saakin ni Lia noon pero sinira ko Ito para lang sa lalaking sasaktan din pala ako sa dulo. Sinakripisyo ko ang pagkakaibigan namin pero hindi rin pala worth it. Kaya ngayon, naghihiganti sya saakin gamit si Kuya.



Pero Alam mo yung mas masakit? Yung mas pinili ng sarili mong kadugo ang isang Hindi nya kaano-ano kesa sa sarili nyang kapamilya at kapatid .



Mas pinili nyang proteksyonan ang taong Mahal nya laban sa pamilya nya. Well, i guess that's the real love.. The real Love that I can't really have.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon