6

692 8 0
                                    


; SUMUKO DAHIL PINASUKO

Tayo Dati:

"Babe, walang sukuan ha!" Saad mo sa akin nang nakalukot ang muka. Bahagya naman akong natuwa at pinisil ang iyong pisngi.

"Oo naman, babe!" determinadong sagot ko.

"Kahit gaano man tayo kapagod sa isa't-isa, walang susuko. Okay?" Paninigurado mo na bahagyang nagpatawa sa akin.

"Babe, ano ka ba? Bakit ba sukuan agad ang iniisip mo? Magtatagal tayo." Imbit ko. Nakita ko namang nakahinga ka ng maluwag sa sinabi ko bago ngumiti sa akin nang malaki.

"Sige na nga. I love you babe!" Sayang-saya ka pa habang binabanggit ang mga katagang ito.

"I love you too, babe"

Tayo Ngayon:

"Myla naman, wala namang ganituhan!" pag ma-makaawa ko saiyo ngunit umiling ka lamang sa akin habang ang luha ay tumutulo sa iyong magagandang mata.

"I'm sorry, Paolo. Akala ko magtatagal talaga tayo. I tried to be happy in your arms, pero wala pa rin. . ." Parang sinaksak ng ilang pirasong kutsilyo ang puso ko sa iyong sinabi.

"K-kahit ba ni-minsan, hindi ka talaga naging m-masaya sa piling ko?" naghihinang tanong ko habang lumuluha. Hindi ko manlang naisip na kahit konti ay hindi na nasasayahan sa aking ginagawa. Akala ko, okay pa rin ang lahat. Akala ko, basta ngumingiti ka sa akin, masaya ka na. Akala ko napapasaya na kita, yun pala. . . Hindi na.

"I-i'm sorry talaga, Paolo. Pero, o-oo" lalo akong nanghina nang tuluyan ko na itong marinig galing sa iyo.

"G-ginawa ko naman lahat, Myla diba? A-alam mo 'yan. . . L-lahat ng gusto mo, binigay ko. L-lahat ng hiling mo, t-tinutupad ko. Alam mo ang sitwasyon ko ngayon. Wag mo naman akong iwanan ngayon. . .k-kahit bukas na lang, k-kahit mamayang gabi na lang, w-wag lang ngayon. M-maawa ka. . ." Punong-puno ng luha ang aking muka habang nagsusumamo sa iyo na huwag akong iwan kahit ngayon lang pero nang makita kitang umiling at nahirapan sa ating sitwasyon ay nagpapasakit ng aking puso.

"A-akala ko ba, w-walang sukuan? Bakit ngayon, pinagtatabuyan mo na ako?" Hindi kita maintindihan, ang gulo mo.

"Dahil masyado ka nang umaasa. . . G-ginagawa ko 'to dahil masakit na. Dahil nakakapagod na. Dahil nakakasawa na. . ." Saad mo. Nanghihina naman akong napaupo sa sahig habang patuloy pa ring natulo ang kuha na hindi ko alam kung saan nagmumula.

"A-anong ibig mong sabihin?" Lahat ng lakas ko ay iyo nang kinuha, hinang-hina ako.

"Please. Stop this, Paolo, wag mo na akong habulin. Mapagod ka naman!" Parang hirap na hirap ka pa na ipamuka sa akin na ayaw mo na talaga sa akin. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata.

"But we promise, Myla to each other na walang sukuan kahit pagod na tayo ah. Nalimutan mo na ba? Ikaw pa ang nangako sa aking walang susuko pero bakit ngayon. . ." Nababasag na aking boses, hindi na matigil ang aking luha. Ang sakit tangïna!

"Please, Paolo. Kahit ngayon lang na birthday ko, pagbigyan mo na ako. Please, sumuko ka na sa atin. . . W-wala nang tayo. Pagod na'ko. . " Masakit isipin na nagmamakaawa ako sa iyo upang ilaban pa ang kung anong meron tayo pero mas masakit pa pala nang makita kang nagmamakaawa sa akin dahil ayaw mo na.

"I-iyan ba ang gusto mo?" sige, dahil diyan ka sasaya. . . Tutuparin ko ang hiling mo.

"Yes. Diyan ako sasaya, so please sumuko ka na. Pinapasuko na kita." Nandudurog ang puso ko habang nakatingala sa maamo mong muka. Kita rito na talagang determinado kang pasukuin ako sa relasyong meron tayo. Muling tumulo ang luha ko bago nanghihinang tumango sa iyong gusto.

Diyan ka sasaya, anong magagawa ko?

"O-okay. Just please, p-promise me one thing. . ." lumuluhang saad ko. Masakit sa akin pero mahal kita at 'yun ang mahalaga.

"What's that?"

"Please. Don't forget me. . . Don't forget me, till the day you will be happy in someones arms." I said at nanghihinang tumayo bago siya halikan sa huling pagkakataon, tumulo muli ang aking luha bago nanghihina siyang iniwan. I love her to the point na kahit ikakasakit ko, ipaparaya ko para lang sa kasiyahan niya.

'Yung pangungulit niya pa sa akin noon na wala raw sukuan kahit mapagod. Ngayon, eto. . . ako 'yung sumuko. . . Sumuko dahil pinasuko.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

EDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora