8

516 8 1
                                    

; I HURT SOMEONES HEART

"Are you sure, Rose? Masasaktan mo siya d'yan sa gagawin mo," mariing saad sa akin ni Cielo.

"Wala na'kong magagawa Cielo, hindi ko naman ginusto ito." stress na sagot ko sa kaniya bago tumayo sa pag kakaupo.

"Anong balak mo? Ililihim mo sa kaniyang ikakasal ka na? Tapos inimbita mo pa siya sa kasal mo? At sa pinsan niya pa talaga?" gulo niyang tanong.

"Hindi ko na rin alam, Cielo." mangingiyak na sabi ko. Asar naman siyang tumitig sa akin na animoy isa akong tanga sa sinabi ko.

"Bukas na ang kasal mo, Rose tapos hindi mo alam?" inis na sabi niya at iniwan na'ko.

Agad akong napabuntong hininga sa mga nangyayari. I am Rose Ann Valdez at may long-term boyfriend akong si Mhark. Pa-3 years na kami bukas at bukas na rin ako ikakasal.

Hindi nga lang sa kaniya kung hindi sa pinsan niya. Yes, you read it right. May relasyon ako sa kaniya pero ikakasal ako sa iba.

Hindi planado ang kasal, at wala rin kaming relasyon ng pinsan niya. Nagulat nga din ako nang mabalitaan na lamang na ikakasal ako sa pinsan niya.

Nasa bahay lamang kasi ako noon nang biglang may tumawag kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello, Rose here," bungad ko rito.

"H-hello rose..."

agad akong napakunot noo sa boses ng tumawag. Boses lalaki at parang familiar sa akin.

"M-may sasabihin sana ako, wag ka sana magalit" nito kaya bahagya akong napakunot noo.

"I-I'm Enrique, Mhark's cousin. I just want to tell you na i-ikakasal na tayo sa isang araw." sabi nito na ikinagulat ko.

"Anong ikakasal? Wala tayong relasyon para sabihin ko sayo kaya walang ikakasal! At mahal ko si Mhark kaya pwede ba, itigil mo yan!" galit na saad ko sa telepono.

"Kung hindi mo natatandaan, pumirma ka sa akin ng marriage contract na pumapayag kang magpakasal sa akin," sabi nito na ikinatahimik ko. At dun na nag umpisa ang lahat.

Alam kong magugulat si Mhark bukas kapag nakita niya ang girlfriend niya na ikakasal sa pinsan niya. Sino ba namang hindi? Hindi ko pwedeng hindi siputin yung pinsan ni Mhark sa kasal dahil makukulong ako at magbabayad ng 5 million pesos. Like what the hell? Paano nangyari yun 'di ba? Kahit ako hindi ko lubos maisip.

Nandito na ako ngayon sa labas ng pinto ng simbahan, nag-aabang na buksan ito. Magkahalong kaba at lungkot ngayon ang aking nararamdaman dahil kay Mhark.

Mahal na mahal ko siya, pero wala na'kong magagawa. Bahagyang bumukas ang pinto ng simbahan kaya nagsimula narin akong mag lakad sa gitna, lahat ng angkan nina Mhark ay nandito at lahat sila ay nagulat ng ako ang makitang bride ni Enrique.

Walang may alam na ako ang ikakasal sa kaniya. Ang alam lang nila ay ikakasal si Enrique. Bahagyang tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang naglalakad papalapit nang makita ko si Mhark na tumayo sa upuan at gulat na gulat.

Hindi ko mapigilang hindi mapatigil sa paglalakad at hinarap siya. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit at galit habang umiiyak.

"Ano 'to, Rose huh!? Anont ibit sabihin nito?" galit na sigaw niya na nag patahimik sa mga tao, ngayon lahat ng mata ay naka tutok sa amin ngunit parehas kaming luhaan.

"M-mhark, I-I'm sorry..." nanginginig kong sabi sa kaniya samantalang siya ay tumitig lamang sa akin sa huling pag kakataon habang may luha ang kanyang mga mata at nag bitaw ng salita.

"Happy 3rd Anniversary, Rose. Thank you for the memories we shared together. Kung sa kaniya ka sasaya, kahit masakit papalayain na kita. Sana maging masaya ka. 'Till the day we meet again."

sabi nito habang umiiyak at tuluyan nang umalis ng simbahan. Kasunod nito ay ang kaniyang pamilya na hindi rin makapaniwala.

"Hindi ko akalaing 2 timer pala ang babaeng 'yan," rinig kong saad ng mama ni Mhark habang umaalis na rin ng simbahan.

"Minahal siya ng anak ko pero niloko niya lang. At talagang sa pinsan niya pa ha!" sabi parin nito at hindi ko na mapigilan na napahangul-ngul sa simbahan,

Lahat ay nakatutok sa amin. Nang makaalis sila ay nilapitan ako ni Enrique at nilahad ang kamay ngunit nagdadalwang isip pa'kong tanggapin 'yun nang siya na ang kumuha at sinabayan akong maglakad sa altar.

I'm so sorry, Mhark. Hindi ko ginustong masaktan ka, hindi ko ginustong maloko ka, pasensya na sa lahat.

Always remember na kahit kanino ako mapatali, ikaw at ikaw parin ang mahal at mamahalin ko. Kahit 'yung araw na 'yun pa 'man ay may mahal ka ng iba. Mahal na mahal kita, if you only know my reason, I know you will understand me.

I will always take our relationship forever here in my heart. I will always take our memories together forever here in my soul. Our promises that are now broken and now nonsense because of me, will always still here in my mind.

I will never forget my one and only love. And for the last time, I Love You And I Will Always Love You, Mhark. 'Till the day we meet again.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

EDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now