7

560 10 2
                                    


; HEAVEN SENT

Ako nga pala si Zhylle, may girlfriend ako, her name is Jhayna. At para sa akin, hulog siya ng langit. Dahil tuwing may mga kalokohan o sabit ako ay siya ang sumasalo at umaayos. Bago lamang kami sa relasyon namin, I guess 5 months na kami?.

"Hi, Love, oh bakit nakaganyan ka diyan? Need something?" takang tanong niya habang naglalagay ng cereal sa bowl.

Maganda naman si Jhayna. Her beauty is so angelic na parang tuwing tititig ka sa kaniya ay parang natitig ka sa isang anghel. Nakakakonsensya kapag sasaktan mo siya, kaya walang ni-isang nag pa-paiyak o nananakit sa kaniya. Ako yung tipo ng taong maloko, lagi kong niloloko ang mga tao sa paligid ko. And as you read, tama ka diyan. Lahat ng tao sa paligid ko, niloloko ko. Even Jhayna. Yes, I cheated.

I have a relationship with Lane magse- 7 months na ata ngayon, and yes, si Jhayna ang kabit rito. Lane is so hot and damn beautiful, hindi ka magsasawa sa kaniya hindi gaya kay Jhayna na 'yun na lamang ang laging nakikita.

Nakakaboring siyang kasama.

"Love, alis muna ako." paalam ko sa kaniya, tatanggi pa sana siya ngunit umalis nakaalis na ako. Pupunta ako kay Lane ngayon, today is our monthsary kaya pupunta ako ngayon sa kaniya. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa bahay niya ay may sumabog agad na confetti at balloons sa pinto.

"Happy 7th Monthsary, Babe!" ngiti niya sa akin sabay halik sa aking sa labi kaya ginantihan ko agad siya. This is how I defined love. Kapag pinapasaya at pinapasarap ka niya, ibig sabihin mahal mo siya. At 'yan ang hindi ko manlang naramdaman kay Jhayna. Napaka sensitive niya to the point na yayakap lamang ako sa kaniya ay ayaw niya pa.

Ang boring diba? Tsk. Hindi gaya ni Lane na talagang binibigay sa akin ang lahat. Lumalim na ang aming halik nang ihiga ko na siya sa kama at dinagaanan siya.

Nang matapos kami ay sumilay ang ngiti namin sa labi. That's so fantastic! Ganyan dapat.

Agad na akong umalis sa bahay ni Lane para naman puntahan si Jhayna. Nang makauwi ako sa bahay ni Jhayna ay nakita ko siya sa sofa at seryosong nanunuod ng tv. Agad ko siyang nilapitan para halikan sa pisngi kaso lumihis siya. Tsk arte.

"Saan ka galing?" seryosong tanong niya.

"Diyan lang, sa tabi-tabi." simpleng sagot ko sabay upo sa kaniyang tabi.

"Sa tabi-tabi na pala yung Agustin Village ano?" tanong niya na ikinagulat ko. Pano niya nalaman ang bahay ni Lane? "Sinundan kita kanina. And guess what? Sarap na sarap ka diba?" saad niya bago padabog na tumayo at hinarap ako. Nagsisimula nang tumutulo ang kaniyang mga luha.

Agad akong nakonsensya sa aking ginawa dahil sa kaniyang itsura.

"I-im sorry" sabi ko at namumutla na.

"Sa tingin mo, sapat ang sorry mo sa panloloko mo sa akin huh?" tanong niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin. Lumuluha at humihikbi na siya.

"All my life, m-minahal kita, Zhylle. Hindi ako nagrereklamo tuwing nawawala ka. K-kahit alam ko kung saan ka nagpupunta, kung sino ang pinupuntahan mo. Dahil mahal kita, nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan ako para sa iyo. Pero grabe na 'to. . . H-hindi ko na masisikmura ito." saad niya habang puno na ng luha ang kaniyang mga mata. Akmang aalis na sana siya ngunit mabilis ko siyang pinigilan.

"W-wag mo 'kong iwan, J-jhayna. . ." Aniko habang nagmamakaawa na rin at lumuluha sa kaniya ngunit umiling lamang siya sa akin at parang durog na durog.

"Kung ayaw mong iwanan ka, mag bigay ka ng dahilan para hindi ka iwan. Dahil ngayon, wala na'kong nakikitang dahilan para manatili pa sa iyo, Zhylle." seryoso niyang saad bago tuluyan na'kong iwanan.

Nanghihina akong napaluhod sa sahig at duon malakas na umiyak. Yes, takot akong maiwan at sa mga sinabi niya sa akin, duon lamang ako natauhan. Tama siya, if I want people to stay, then make a reason for them to stay. Hindi naging sapat ang pagmamahal sa akin ni Jhayna dahil sa ginawa ko, tama lamang 'yan. I deserve this pain because I hurt the person that heaven sent for her to stay but ended up leaving me from behind.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

EDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora