4

1.2K 11 1
                                    

;BINALEWALA

[Play Binalewala by Michael Dutchi while reading.]

(Ikaw na pala, ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko.)

Bahagya akong napangiti nang mapait habang nakatingin sa inyong masaya sa piling ng isat-isa..

(Pakisabi na nga, na wag ng mag-alala at okay lang ako.)

Bahagyang tumulo ang mga luha na akala ko ay may katapusan tulad ng pagmamahalan mo. Pero wala rin pala dahil hanggang ngayon, kayo pa.

(Sabi nga ng iba, kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo. Hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan.)

Nang bahagya kong naalala kung papaano mo'ko iwan at ipagpalit dahil sabi mo, mas sumaya ka sa kaniya.

"J-jane i-im sorry. . ." nakatungo mong sabi habang ako ay puno ng luha ang mga mata.

"P-pano mo nagawa sa akin 'yun? You let my feelings suffer. P-pinaramdam mong wala lang ako sa'yo. K-kahit nasa akin yung karapatan. Binalewala mo'ko!" galit na sigaw ko sa kaniya.

"Sa kanya a-ako sumasaya, Jane. Noong mga p-panahong masaya ako sa p-piling mo, akala ko 'yun na ang p-pinakamasaya sa buong buhay ko. P-pero noong nakilala ko siya at noong p-pinapasaya niya ako, dun ko lang n-narealize na iba na, na nasa kaniya na..." sabi niya na lalong nagpahangul-ngul sa akin.

"Buong buhay ko, inalay ko sa'yo. Kasi mahal kita! Tapos ang reason mo lang dahil mas sumaya ka sa kaniya kesa sa akin. You're pathetic!" sigaw ko.

"Then let's end this." at duon na nag simulang mamuhay ka kasama siya.

(Kaya't humihiling ako kay Bathala. Na sana ay hindi na siya luluha pa, na sana ay hindi na siya mag-iisa. Na sana lang...)

"I hope this will be now the reason of your happines." nakangiti ngunit may luha sa mga mata kong sambit sa kaniya.

"Sana, after nito ay hindi kana iiyak ha, ingatan mo siya para kahit pa-paano ay masuklian mo ang mga bagay na hindi mo naiparamdam sa'kin. Sa kaniya mo iparamdam ang saya at pagmamahal mo kahit hindi na ako." mapait kong saad at tumalikod na. Habang papalayo ako sa'yo ay parang nawawasak ang puso ko.

(Ingatan mo siya, binalewala niya ako dahil sa'yo. Nawalan na ngang saysay ang pagmamahal, na kay tagal ko ring binubuo. Na kay tagal ko ring hindi sinuko.)

At sa tingin ko, naging successful ang pagpaparaya ko. Dahil ngayon, sumaya ka na at simula rin noon. Hindi na kita nakitang umiyak at nag-iisa. Kahit masakit na hindi mo 'yan naramdaman noong tayo pa. Ay ayos lang. Kasi minahal namannkita.

(Binalewala niya ako dahil sa'yo. Dahil sa'yo)

"In the name of the father, and of the son and the holy spirit, amen. Now, Ninang and Ninongs go in front kasama ang parents para sa binyag ng bata," sabi ng pari kaya isa-isa kaming lumapit. Nang matapos na ang binyag ay akmang aalis na'ko ng bigla mo'kong tawagin.

"Jane" mabilis akong lumingon sa iyo at nakita kang nakangiti sa akin.

"Oh, long time no see. Congrats sa baby niyo. Ano ngang name?" takang tanong ko kahit pinpiga ang puso ko.

"Baby Marie Janine Marquez" nakangiti mong saad, at kitang-kita sa mga mata mo ang tuwa at pagmamahal.

"Ang ganda naman ng name!" nakangiti kong saad habang tinatago ang mga luhang gusto nang lumabas sa aking mga mata. 'Yung pangarap natin na magkaroon ng anak ay tinupad mo sa kaniya.

Yes, it's been 3 years since the day you left me. Maraming nag bago pero ang nararamdaman ko sa'yo, laging nandito. Maybe, now you forget me. You forget our past and our memories we shared kasi may bago ka nang priority.

At tulad nga ng pangarap ko sa'yo. Sumaya ka sa kaniya, at dahil dun nagkaroon kayo ng bunga. Ang sakit, kasi ginawa mo pa akong ninang. Ngunit agad akong napabalikwas nang may tumawag sa'kin.

"Love!" agad akong napalingon sa tumawag at naangiti ako nang makita ko kung sino ito. Muli akong lumingon sa iyo bago tumungo.

"Excuse me lang huh? And'yan na kasi 'yung boyfriend ko, alam mo na kakadating lang namin galing sa Hong Kong kaya need to rest. Sige na, pasabi na lang sa asawa mo. Sorry, hindi ako makakapunta sa venue madalian lang kasi." saad ko. Bahagya ka pa duong nataw.a

"Ano ka ba, ayos lang, sige na." sabi mo kaya ngumiti ako at lumapit na sa boyfriend ko.

"Let's go?" tanong niya kaya tumango ako at sabay nang umalis. May naging maganda ring epekto ang pagpaparaya ko noon sa kaniya. Dahil kung hindi. Hindi ko na makikilala ang bago ko, at ngayon. Sisiguraduhin kong lahat ng hindi mo naramdaman noon. Sa kaniya ko ipaparamdam.

_____

Music used: Binalewala by Micha Dutchi

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

EDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now