ONE SHOT #14

271 9 0
                                    

MY BESTFRIEND IS A GAY, AND I THINK HE'S FALLING INLOVE WITH ME.

Hi, ako ng pala si Ayumi and i have a bestfriend and he's name is Haru. Well, hindi ko alam kung tama bang "he" ang ginamit ko to describe him/her because. He's a Gay hahhaha. Sobra naming lapit, to the point na pag makikita mo kami aakalain mong mag jowa kami pero dahil nga Beki sya. It's normal.

Nakasalampak ako ngayon dto sa upuan ko sa room habang nakataas ng isa kong hita dahil absent ang prof namin so, party party. nakaupo ako na parang lalaki habang nag s-scroll sa fb. Until, one post caught my attention.

"5 SIGNS FOR YOU TO KNOW IF THE MAN IS INLOVE WITH YOU"

1. Pag clingy sya sayo at sobra mag alaga.

"YUMIII~" agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko sa lakas ng boses ni Haru habang tinatawag ako. Nakita ko syang tumatakbo papalapit sakin, kaya inayos ko ang upo ko. Agad naman syang lumapit sakin at "Tara na yumi teh, gutom nako" sabi nya habang hinihimas himas ang tyan. Maawa naba ko? Sige na nga.

Kaya agad akong tumayo at inayos ng damit ko. Kukunin ko na sana ang bag ko ng naunahan nya nako, sinuot nya toh sa likod nya at pagkatapos ay nagyaya na. Well, first time nya kong ipagdala ng bag ha. Wala nman syng dalang bag kaya, hayain na. Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay pasimple nyang hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko nman ito pinansin, ng mahawakan nya na ay agad nyng pinagsiklop ang mg daliri namin at magka holding hands. Parang bago tong mga kinikilos ng beki na toh ahh. Agad ko syang tiningnan, ngunit deretsyo lang ang knyang tingin saaming dinaaanan at dun ko napansin ang itsura nya. Gwapo pala talaga tong beki nato kung hindi lang ito bading ay siguro crush ko na.

Hindi naman sya tulad ng ibang beki dyan na nag me-make up, liptint at kung ano-ano pa. Hindi rin sya nagsusuot ng pambabae. Lalaking lalaki nga sya eh, pero alam mo talaga. Beki. Ng nakarating na kami sa cafeteria ay agad syang nag salita "Ako na oorder. Ano ba gusto mo? Treat ko" sabi nya.

Aba, iba na talaga toh ahh. First time nyang manglibre in our entire life kaya nakakagulat. Agad ko naman itong sinagot na parang wala "Hmm, Adobo with Rice nalang" sabi ko at agad na syang umalis, pagbalik nya ay dala nya na ang order namin. Agad itong umupo sa harapan ko na ikinagulat ko, dahil tuwing kakain kami ay lgi kaming magkatabi dahil sabi nya, pag babae at lalaki daw ay magkaharap kumain. May namumuong feelings. Pero kinawalang bahala ko nlang.

2. Laging nagpapapansin at ayaw na pinapansin mo ang iba.

"Uyy yumi picture tayo bilis" aya nanaman sakin ng beki nato. Ano nanamang naisip nito at magpipicture kami? Pero wala akong nagawa dahil hinila nya nako. Agad nyang tinutok saming dalwa yung camera at dumikit sya sakin, kaya ngumiti ako. Nang bigla nyang hawakan ang bewang ko at inisod ako papalapit lalo sakanya. Pero hindi ko parin pinansin. Ngayon parehas na kaming nakangiti ng nag click ito.

Ng matapos ang shot ay agad akong bumalik sa pag ce-cellphone dahil nag ffb ako. Ng bigla nya akong kinuwit sa balikat, ngunit hindi ko pinansin at deretsyo sa pagbabasa ng one shot story. Habang patuloy lang sya sa pagkuwit sakin. Ng biglang lumapit sya sakin at tinawag ako gamit ang malambing na salita "Uyy Yumi" sabi nya.

Ngunit hindi ko padin pinansin. Ng biglang may mag flash sa tagiliran ko, ng tingnan ko ay ito yung cp nya at pinipicturan ako ng wengya. Agad kong tinakpan ang camera nito at sinapok agad si Haru. "Aray para san naman yan?" tanong nya habng hinihimas ang ulo. Sa gigil ko ay iniwan ko sya dun at naglakad papalayo ng biglang may bumati sakin.

"Hi yumi" maligayang bati sakin ni James habang lumalapit sakin. Si james ay yung crush ko. Ayiee oemjii, "H-hello james heheh" nauutal kong bati. Agad nman syang umupo sa tabi ko. Magsasalita na sana sya ng biglang may sumugaw "YUMIIII!" agad kong tiningnan si Haru na namumula ang muka. Ano nmang problema nito at galit na galit? Tsk.

3. Lagi kang pinapasaya at pinapatawa.

"Yumiii" sigaw nanamn ng baklang toh. Agad naman akong lumingon sa kanan ko at pinagtaasan ng kilay ang beki dahil sa pagtawag ng tumawa lang ito sakin. Agad nman akong napakunot noo dahil tumatawa nanaman to mag isa. Baliw psh! Btw, ang ganda ng ngiti nya ha. Lumalabas yung dimples nya.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" taray na tanong ko. "Uyy, may joke ako" agad nman akong tumango ng hindi nakatingin saknya. "Ano ang tawag sa yumi na tirahan?" tanong nya at dun ako napalingon, ano namang trip nito at nadamay ang pangalan ko? "O, ano?" tanong ko den. "Edi, YUMIna Homes Hahhha" tawa sya ng tawa habang ako ay ngumiti nlng "Ha-ha-ha. Grabe, nakakatawa hahahha" sabi ko sabay irap saknya. Pero may ngiti parin saking labi na hindi mawala.

4. Laging nandyan sa tabi mo.

Agad akong tumakbo papalabas sa room dahil sa pagpapahiya sakin nina Jaimee- yung galit sakin. Tumakbo lang ako ng takbo ng bigla akong may nabangga agad akong napatigil at hindi pinansin yun ngunit agad akong natigilan ng hinawakan ako nito sa braso at niyakap ng mahigpit. Kaya wala akong nagawa kundi ang mapahikbi sa dibdib nya.

"Anong nangyari?" tanong sakin ni Beki. Ngunit umiling lang ako bilang sagot. Nagbitaw sya ng malakas na hinga bago ako bitawan at hinawakan sa kamay habang hinihila ako. Kaya napasunod nlanag ako habang umiiyak.

5. Pag nag confess na sya sayo.

Nandto ako ngayon sa gitna ng campus dahil tinext ako ni bading na pumunta dto. Ano kayang meron? Habang papalapit ako ng papalapit ay pakaba ng pakaba ang nararamdaman ko. Ng nandun nako ay nakita ko sya naka talikod sakin. Anong meron? Bakit nakatalikod toh?

Kaya agad ko itong tinawag "Bading" sabi ko. At agad nman syang humarap sakin ng may ngiti, habng hawak ang bouquet ng bulaklak. Eh? Anong meron? Lumapit naman sakin sya. Ngunit napako lang ako saaking kinatatayuan. Ng makalapit na sya sakin ay agad syng nagsalita "Ayumi Vracero, im Haru Laver. Ang bakla mong kaibigan a-at ang taong matagal nang may gusto sayo" sabi nya. Sa gulat ko ay hindi agad ako nag respond.

Ako? Gusto nya? Matagal na? "Nagbibiro kaba? Kasi hindi nakakatuwa" sabi ko at umirap. "Hindi yumi. Totoo ang sinasabi ko" sabi nya. "Panong mangyayari? Na ikaw? May gusto sakin? Hahahah. Bakla ka kaya" sabi ko. "Nagbago ako yumi. Nabago ako. Nabago ako ng dahil sayo" sabi nya habang hinahawakan ang braso ko. Ngunit tinanggal ko ito.

"Alam mo ba sinasabi mo? Haru, kahit magkaibigan tayo. Alam mong hindi ako pumapatol sa bakla" sabi ko at aakmang umalis na. Ngunit pinigilan nya ako. "Yumi, hindi na ako bakla" sabi nya ng may pagmamakaawa. "Alam mo haru. Kahit gwapo ka, kahit maganda ka ngumuti. Hindi kita gusto. At hinding hindi kita magugustuhan" sabi ko. At umalis na. Ng makita ko syng luhaan.

------
Month pass. At hindi na kami nagkikita o nagkaksalubong manlang ni Haru. Kahit sa Campus ay wala. Nababalitaan ko rin na nagde-date sila ni Jaimee- yung may galit sakin. Habang nag lalakad ako sa campus ay may naririnig akong kwentuhan.

"Uyy, alam mo ba, si Haru at Jaimee.. Sila na"

"Talaga? Wow. Buti nman bagay pa nman sila".

"At alam mo ba, may nabalitaan din ako"

"Ano yun?"

"Hindi pala talaga bakla si Haru. Akalain mo yun. Buong highschool nagpanggap lang syang bakla"

"Kaya pala noong magkasama sila ni yumi. Parang iba, kasi hindi nman pala bakla"

"Whaa.. Ang gwapo nya nman kasi. Bagay talaga sila ni Jaimee"

Dinig kong kwentuhan nila. Kaya natigilan ako. A-ano? Hindi talaga bakla si Haru? Nagpanggap lang sya? Agad nag flash back sakin yung sign na nabasa ko. Pati yung mga kinikilos nya. Kya ba ganun sya sakin nun dahil may pinapahiwatig sya? Damn ang tanga ko. Hindi ko manlang naisip yung mga efforts nya. Ang sama ko. Ang sama-sama.

Pinagsalitaan ko pa sya ng masasakit. Nakakapang sisi. Talaga palang totoo ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Ang sakit lang. Ako yung nasasaktan para saknya. He doesnt deserve the pain na binigay ko sakanya. Dapat lang syang maging masaya, sa piling nga lang ng iba.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

UNEDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora