10

435 9 0
                                    


; VIRUS 2019

"Hesus, patnubayan niyo po kami sa bawat araw na aming nilalabanan. Sana po ay matapos na ang malaking trahedyang ito na maaring sumira sa mundo. Sana po ay alisin niyo na ang virus na ito sa aming bansa pati narin sa mga bansang meron ito. Tulungan niyo po kaming ayusin ang mundo, sana po ay panatilihin niyo ang kaligtasan naming lahat." dasal ko.

"Amen." sabay-sabay naming saad at ngumiti sa isat-isa.

"Kainan na!" ngiti kong sabi at agad kaming nagsi-kainan. Nasa kalagitnaan na kami ng kainan ng magring ang cellphone ko.

Agad akong lumingon sa kanila para magpaalam, agad naman silang tumango.

"Sige po, Doktora." sabi ng isang nurse kaya ngumiti ako at lumayo para sagutin ang tawag.

"Hello"

"Hello, Anak. Ano ba naman 'yan, kanina pa kita tinatawagan!" agad akong napangiwi sa bungad sa akin ni Mama.

"Pasensya na po Ma, nakain po kasi kami kasama 'yung mga Nurse."

"Anak, bawal maglalapit ah! Nasa ospital pa naman din kayo. Naka social distancing ba naman kayo d'yan?"

"Syempre naman, ,Ma!" saad ko na talagang totoo.

"Anak, delikado kayo d'yan, huwag ka na lang kaya pumasok d'yan baka mamaya kayo naman ang mahawa nako!" bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Ano ka ba naman, Ma. Kahit mamatay kami dito ayos lang at least namatay kaming may ginagawa sa aming kapwa 'di ba?" umismid naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo 'nak, ayaw ko talagang nand'yan ka. Kung maari lang na nandito ka sa tabi namin para maging ligtas ay matutuwa pa ako." halos mapahilot na lamang ako sa aking sintido ng muli na naman kaming napunta sa usapang ito. 

"E, Ma, kailangan nga po ako dito." pagpapaliwanag ko. Kahit kailan, ito talaga ang aming kalaban, ang desisyon ng magulang.

"Ay ano pa ba? Sige, wala na rin naman akong magagawa basta ingatan mo ang sarili mo ha!" napangiti ako sa kaniya.

"Sige po Ma, kayo din po. Sige na po ibababa ko na, may shift pa po ako after nito, e, bye!" saad ko at in-end na. Agad naman akong bumalik sa aming pwesto kanina ng nagmamadalian ng nag-aayos ng PPE na susuotin ang mga nurse kaya bahgya akong nagtaka.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanila.

"Doktora, si Doc Santos daw po ay positive sa Virus nasa Room 201 daw po pinapatawag tayo dun." sagot niya kaya dali-dali rin akong nag-suot ng PPE. Si Doc Santos? Isa siya sa mga magagaling na doctor dito sa ospital na ito.

Pano siya nahawa? Dahil siguro sa mga other patients na mayroon ding virus na nandito sa ospital. Kailangan talaga naming mag ingat lalo na ngayon.

Ng makarating na kami sa Room 201 ay agad kong nakita si Doc Santos na nakahiga sa Hospital Bed at hinang hina. Hindi naman ako lumapit sa kaniya, tama lang ang layo ko para masabing social distancing.

May nakapalibot na din siya ng Plastic Cover in case na uubo siya para 'yung laway ay hindi makahawa. Pinagmasdan ko lamang siya habang nakahiga at nang hindi ko na makayang makita siyang ganiyan ay lumabas na ako.

___

"Doctora, may bagong case daw po tayo. 6 patients sila at hindi daw po alam kung saan ilalagay dahil puno na tayo." pag balita sa akin ng isang head nurse.

"Okay, I will try to contact other hospitals na pwedeng mapaglagyan nila. For now, ilagay niyo muna sila sa Ward F, and make sure malinis dun at walang ibang patients. Para hindi na maka hawa" sabi ko sabay talikod at kuha ng phone sa bulsa.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now