ONE SHOT #27

157 5 2
                                    

IKAW AT AKO, PERO WALANG TAYO.

Hi, ako nga pala si Keeyah. At may crush ako, 9 months ko na syang crush. Ay hindi, mag te-10 months na pala. Halos lahat ng kaklase namin, alam na gusto ko sya. Lagi pa nga kaming niloloko, minsan natutuwa ako pag napapansin nya yun. Minsan din nman ay naiirita, dahil nagagalit sya.

Hindi boto sakanya ang mga kaibigan ko, dahil baka paasahin lng daw ako. Which is totoo nman.  We are highschool classmates, nung mga panahon na yun. At nahihiya pa ako saknya. Pero ngayong bakasyon na, ay nagka lakas ako ng loob saknya. Hindi nman sya ganun kagwapo, sa totoo lang. Hindi sya yung ideal type ko, pero awan ko kung bakit nainlove ako saknya ng husto.

Kahit puro sakit nlang ang dulot nya sakin. Lagi ko syang chinachat tuwing umaga,tanghali, at gabi. "Hi, Kwass Good eve. uli hahahaha. Kumain kana, wag papalipas gutom. Yun lng" chat ko saknya. Agad nya nman itong sineen, pero ilang minuto pa bago sya mag reply. Tingnan mo yung chat ko, tas yung chat nya "Ty". Mag te-thankyou nalang kelangan paikliin pa? Maikli na nga, pinaikli pa?. Pero binaliwala ko nlang.

Tas kinabukasan, gabi uli. Kaya chinat ko uli sya. Katulad nun, yun nman lagi. "Hi, kwass. Good eve. uli hahaha. Kumain ka uli, kahit late kana kumain" chat ko uli. Tas ilang minuto uli bago sya mag reply. "Ayy sorry. Naglalaro kci ako, kasama mga pinsan ko" sabi nya. So nag reply din ako "Haahah. Sgesge, unahin mo muna yan. Abala lang ako dyan eh hahah" reply ko kahit nasasaktan ako. Feeling ko kci, istorbo lng ako saknya.

Lagi kong ina-update ang mga kaybigan ko sa nangyayari samin. "Guyss. Ayiee, kinikilig ako kanina kay kwass. Ni heart react nya myday ko" chat ko. Agad nman silang nag reply. "Alam mo Keeyah. Wag kang umasa saknya. Sasaktan ka lng nyan" sabi ni Myla. Kahit masakit sakin na hindi boto ang mga kaybigan ko ay nireplayan ko

"Hahahah. Ano kaba Myla, sure nko saknya noh. Alam kong d nya na ako sasaktan. Nag confess na kmi sa isa't-isa eh. Ang sweet-sweet nya nga lagi sakin. Lagi nya akong chinachat na kumain na daw ako. Yiee" reply ko. Kahit lahat ng yan ay d totoo. Kasi ako nman ang laging nag chachat saknya ng ganun hindi sya. Ayokong maging madumi ang pangalan ni kwass sa mga kaybigan ko. Dahil gusto kong isupport nila kmi.

Ilang araw ang lumipas after nmin mag confess nun sa isa't-isa. Kaya sure ako, may pag asa ako saknya. M.U na kmi eh hanggang sa isang araw. On sya, kaya chinat ko. "Hi ule kwass hehehe. Gusto ko sana uli sabihin na kumain kana" first chat ko. Agad ny nman itong sineen pero hindi sya nag reply kaya nag chat uli ako "Hahah, kahit paulit-ulit lng yung convo ntin sana hindi ka magsawa" chat ko uli at agad nya itong sineen.

Pagka seen nya ay agad nman syang nag reply kaya napangiti ako. Kahit simpleng bagay lang talaga ang ginagawa nya, natutuwa nako. Pero agad din napawi ang ngiti ko ng mabasa ko yung reply nya "Keeyah. Alam kong crush mo ako. Pero itigil mo na ito" chat mo na nagpatulo ng mga luha ko.

Agad nman akong nag reply. "Hah? Bakit? Dba M.U na tyo? Dba sabi mo sakin crush mo din ako? Ano ng nangyari?" tanong ko sa chat kaya agad syang sumagot. "Keeyah. Noon yun, hindi na ngyon. Nakakaboring kang kausap alam mo yun?  Nag sasawa nadin ako sayo" chat mo na nagpa hangul-ngul sakin.

"K-kwass. Pag usapan nman natin toh" reply ko. At sumagot ka uli. "Keeyah. For the second time. Uulitin ko sayo. Itigil mo na toh" chat mo uli. "Pero bakit? Ayos nman tayo ahh. hindi kaba kontento sa 'Tayo'?" tanong ko sa chat. At agad kang nag reply na nagpaiyak lalo sakin. "Dahil ikaw at ako lang ang nag eexist keeyah. Walang tayo" chat mo at kasabay nun ang pangbo-block mo.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

UNEDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon