11

340 6 0
                                    


; ABUSE

"Bes, paki-sabi naman kay Jenny na lalabas ako after class, paki-tanong naman if sasama siya" naka-ngiting pakisuyo sa akin ni Bella. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik bago tumango at naglakad papunta kay Jenny.

Nang makita ko siya sa corridor ay agad ko siyang nilapitan. "Hi Jenny!" ngiting bati ko, ngumiti naman siya sa akin pabalik.

"Oh, need something?" tanong niya.

"Pinapasabi ni Bella na lalabas daw siya after class, kung gusto mo daw ba sumama." saad ko. Napakunot noo naman siya at animoy nag-iisip bago tumango rin kalaunan.

"Hmm. Sure, why not!" sagot niya kaya dali-dali akong tumango at bumalik kay Bella.

"Bella, sige daw," balita ko sa kaniya. Siya naman ay tumango lamang sa akin at umalis na.

--------

"Uy, pede bang pahiram ng phone mo? Mag pi-picture lang kami ni Bella para sa update ko mamaya sa social media accounts ko. You know, Bestfriend Goals. Haha!" tawa ni Jenny, kaya tumawa rin ako ng pilit.

"Haha. Sige ba, ito oh. . ." bigay ko sa kaniya ng aking phone. Agad niya naman itong kinuha at nag simula na silang mag picture ni Bella habang ako ay bumalik na sa pagsusulat ko.

Nasa kalagitnaan na'ko ng pagsusulat nang biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Bes, come here!" aya sa akin ni Bella. Ngumiti naman ako ng napakalawak sa kaniya bago dali-daling lumapit sa kanila. Akala ko nga ay nakalimutan na nila ako. Tatabi na sana ako sa kanila para mag picture kaming tatlo nang biglang iniabot sa akin ni Jenny 'yung phone ko.

"Bes, pa-picture naman kami ni Bella. Ang hirap mag picture eh," ngiti niya. Agad namang bumagsak ang balikat ko at walang nagawa kundi tumango at pinicturan sila. Napahiya ako dun ah, buti ako lang ang nakahalata. . .

------

"Uy bes, libre mo naman kaming milktea!" saad ni Bella.

"Oo nga bes, uhaw na kami eh!" saad rin ni Jenny. We're here in the mall, inaya nila ako kanina kaya sumama ako. Ngumiti at tumango na lamang ako sa kanila.

"Okay."

Mabilis naman silang tumakbo sa shop ng milktea na malapit sa amin at iniwan ako sa aking pwesto. Ako 'yung mang lilibre ako yung iniwan.

------

"Jenny, what do you think? Excited na'ko for later!" excited na sabi ni Bella kay Jenny.

Nandito kami sa bench nakaupo, ako 'yung nasa gitna nila habang sila ay usap ng usap sa harap ko. So, I guess hangin na'ko dito. Bigla naman sumagot si Jenny.

"Of course, I'm excited. Birthday party ko kaya 'yun. Kinakabahan na nga ako eh." sagot ni Jenny. Ngayon ko lamang nalaman na may debut pala si Jenny.

She's now 18 at mamaya 'yung kaniyang party. And guess what? I'm not invited. Halos kalhati sa campus ay invited at lahat ng friends/bestfriends niya ay kasama. Ako lamang ang hindi.

"Ay hala, si Bes nga pala. Oh I'm sorry bes ha, nakalimutan ko." saad niya sa akin kaya ngumiti na lamang ako ng pilit at nagsalita.

"No need to worry. Sanay na'ko" sabi ko at iniwan na sila dun. Parang gusto kong umiyak. Nagbabadya ang luha sa aking mata dahil sa pagkatampo at galit.

Ayaw ko nang mauto muli, ayaw ko nang magamit. Ayaw ko nang masakatan. . . ng paulit-ulit-ulit. They are only see me whenever they need something. They only see me whenever they need favor. But when they don't have something. . . They just ignored me and treat me like a trash. Masyado na silang sumo-sobra. They are abusing my kindness. At natuto na'ko.

Hindi ko lamang matanggap na hanggang ngayon pa rin pala, ganun ang trato nila sa akin. Akala ko pwedeng mag bago. Kayang mabago, pero hindi pala. Dahil lalong lamang lumalala sila. Agad kong pinahiran ang mga luhang lumalandas sa aking mga mata at talagang iniwan na sila. This is the last time I would see you two. I wish you'll happy now abusing me.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

EDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now