Simula

113K 3.9K 1.4K
                                    

Simula

"Lia, anak, ang bilin ko, ah?" Napangiti ako kaagad sa sinabi ng Nanay.

"Opo." Marahang sabi ko bago sumulyap sa kanya.

Sinuri muna n'ya ang bag ko at nang makuntento ay kaagad na ibinigay sa akin. Inilagay ko iyon sa aking likod, inayos ang hawak na paying bago kumaway.

"Panunuod ka lang, bawal tumakbo at sumali, naiintindihan mo?" Pahabol n'yang sigaw bago pa man ako makaalis.

"Opo, Nay! Manunuod lang!" Sigaw ko at ngumisi, kumakaway paalis.

"Ang gamot!" Pahabol pa n'ya at tumango ako at nag-thumbs-up.

Pinagmasdan n'ya akong papalayo at kumakaway ako umalis, binuksan ang paying bagong tinungo ang nakaparadang traysikel na maghahatid sa'kin sa eskwela.

"Amalia, magandang umaga!" Bati kaagad ng suki kong driver na kumaway pagkakita sa'kin.

"Magandang umaga po," Bati ko pabalik, kaagad na isinara ang payong at pumasok sa traysikel.

"Sa Carig?" Dungaw n'ya sa'kin at kaagad akong tumango at ngumiti.

Tumango s'ya, ngumiti at saglit na nag-antay ng iilang pasahero bago kami umandar.

Nakaupo ako malapit sa pintuan ng traysikel kaya kitang-kita ko ang matataas na puno ng niyog at mga puno ng Narra. Ang malamig at mabangong samyo ng hangin ay tumama sa aking mukha.

What a beautiful day.

Humugot ako ng hininga habang nakatitig sa daanan at marahang hinawakan ang dibdib kung nasaan ang aking puso at napangiti bago marahang pumikit.

Panginoon, maraming salamat sa panibagong umaga. Salamat at buhay pa rin ako.

I smiled, saglit na sumulyap sa aking tabi at nakita ang katabi. Nasa higher year sa akin ito at ngayo'y abala sa pagtipa sa telepono, paniguradong kausap ang mga kaibigan.

Tumigil ang traysikel, kaagad akong lumabas at lumapit para magbayad.

"Salamat, hija! Sana ma-enjoy mo ang araw!" He exclaimed at kumaway sa akin.

"Salamat po, enjoy din!" I said back, waved my hands before fixing my uniform.

I sighed, sumulyap sa kulay puti at hugis arkong entrance para makapasok sa university.

Napangiti kaagad ako nang makitang nagkakasiyahan ang mga tao, ang iba ay may hawak na mga banner at pom-poms para sa basketball game mamaya. Ang iba ay naghahanda para sa mga booth at ang iba ay sa ibang palaro.

Today is the foundation day. The most exciting of them all.

Sa araw na kung saan masaya ang lahat at walang iisiping aral, miminsan lang ito kaya kahit ako na hindi pwedeng sumali ay masaya.

"Uy, Amalia! Magandang umaga, hija!" Bati ng guard pagkakita sa akin na kaagad kong nginisian.

"Magandang umaga po, Kuya Tonyo!" Kumaway ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa eskwela.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag pack nang makita ang mga cheerleaders na nag-eensayo sa kanilang routine.

Wearing a red and black ensemble uniform and in their high ponytails, sobrang nakakamangha sila. Matatangkad, magaganda, habulin ng juniors kahit ng mga seniors at college.

Nakakainggit.

"Hoy, bawal bata rito!" Lumipat kaagad ang tingin ko sa leader ng pep squad na nakangisi habang pinagmamasdan ang pagtigil ko.

"Gusto ata maging cheerleader," tawanan ng iba roon sa may bleachers at miski ang nagpapractice ng routine ay napatigil para pagmasdan ako.

"Gusto mo sumali? Tara, Argueles!" Sigaw ng isang senior na babae, nakangisi. "Ikaw ang ihagis!"

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon