Kabanata 4

63.1K 3.5K 2.4K
                                    

Kabanata 4

"Hoy, Argueles! Oh, ayusin mo 'yan bago ka lumayas, ah? Mamaya ay iwanan mo 'yan at lumandi kung saan!" itinapon sa akin ni Anya ang bilog na basahan at mabuti na lang ay nasalo ko iyon.

"Sige," mahina kong sabi at sumulyap sa mga kaunting lilinisin.

"Siguraduhin mong aayusin mo 'yan, naiintindihan mo?" she even muttered. "Ayaw kong makikita kang nag-iikot habang madumi 'yan!"

Hindi na ako sumagot, kumunot lang ang noo at nagsimula ng magpunas ng kalat sa booth namin.

"If you're thinking that Atlas sided with you, h'wag ka ng umasa, naaawa lang iyon sa'yo." She mocked. "I bet you let him see you touching your chest and pretend you can't breathe—"

"Bobo mo, Anya. Ikaw ang h'wag umasang papansinin." Mabilis akong napalingon at nakita si Heart na nakapamaywang lang doon, mukhang kararating.

She's even holding a mini fan at nakatutok pa sa mukha niya.

"So?" Anya hissed at her. "Atlas likes mature girls! Not some weakling—"

"You don't look mature to me," Heart mocked. "You looked immature, sa true lang, 'te, ah? No offense."

Anya's face flushed, umawang ang labi niya at ngumisi si Heart.

"I hate you! I hate you so much! Buti na lang at wala ka na sa barkada!" she glared at her. "Magsama kayo ni Amalia, losers!"

Nagdadabog na umalis siya at nagkatinginan kaming dalawa ni Heart.

"H-hinayaan mo na sana, 'yan tuloy napaaway ka..." mahinang sabi ko.

"Duh, hayaan mo sila. Mga pathetic losers!" she even muttered and grinned at me. "Anyway, Lia, done ka na? Hatid na kita sa gym."

Nanlaki ang mata ko, napalunok ako nang matantong ilang saglit na lang ay mag-uumpisa na ang basketball game.

"P-paano mo nalaman?" tanong ko at nakita kong natigilan siya at kinagat ang labi niya.

"Ah, ano, narinig ko lang." Sagot niya.

"Pero 'di ba, nag-CR ka?" nangunot ang noo ko.

Namula siya ng bahagya at binaba ang mini fan na hawak niya, kinuha niya sa akin ang basahan at siya na ang nagpunas doon.

"Heart?" tawag ko.

"Wala, ano, mabilis ako nakabalik kanina. Narinig kong nag-uusap kayo ni Atlas tapos 'di ako lumapit kasi moment niyo ng crush mo."

Nanigas ako. She grinned at me and I blinked, natawa siya bigla sa akin at kumindat.

"Don't worry, Lia. 'Di ko naman sasabihin kay bobo 'yon." She smirked.

"Bakit bobo?" I asked and she laughed again, umiiling.

"Wala, inside joke lang. Boploks kasi 'yon, mas gustong titingin sa malayo, kunwari walang paki tapos kung kailan nakakuha ng tyansa magpapansin ang bagal-bagal."

"Huh?" mas nangunot ang noo ko. "Sorry, hindi ko maintindihan."

"Wala!" she grinned at me, tinapos ang pagpunas at nilingon ako. "Ang sabi ko, mag-ayos ka na. Game! May lip tint akong maganda! Try mo!"

"Hindi na!" umiling ako at inangat ang kamay ko para ipakitang h'wag na.

"Eh, hindi ka mag-aayos?" namaywang siya sa harapan ko at pinagmasdan ako.

"Hindi..." binasa ko ang labi ko. "Ayos naman 'to, ah?"

"Tss, hindi ayos!" ngumuso siya. "Ang putla mo, Lia. Tara, akong bahala, promise gaganda kang lalo! Baka ayain ka kaagad sa marriage booth ni Atlas!"

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon