Kabanata 7

49.7K 2.7K 1.6K
                                    

Kabanata 7

Days passed like a bliss, nang matapos ang exams ay nagkaroon kami ng oras magpahinga. We had days to chill tapos pirmahan na ng clearance at pagkatapos nito at Grade 10 na ako! Finally!

Ayos naman ang grades ko, sa tingin ko ay ayos din ang exams ko nitong nakaraan kaya hindi naman siguro ako mahihirapang magpapirma ng clearance.

"Lia, anak, sa Peñablanca tayo magbabakasyon, ah?" ani Nanay habang inaayos ko ang shirt ko.

"Okay po," I smiled.

"Ang lolo at lola mo ay nagpapabisita, ayos lang din at magsa-sideline muna ako sa plantation doon. Sa susunod na ako babalik sa palengke, kapag pasukan niyo na ulit."

"Sige po, papapirma lang naman kami ng clearance tapos okay na. Kung hindi ko matatapos 'to ngayong araw, Nay, baka mga bukas or sa sunod na bukas." Ngiti ko.

Ngumiti rin siya sa akin, naglakad siya palapit at inayos ang buhok ko.

"Mabuti na lang at kahit tayong dalawa lang, hindi ka nawawalan ng pag-asa, Lia." She smiled softly, her wrinkle showed a bit but I couldn't deny her beauty.

"Ano ba, Nay," tawa ko. "Habang may buhay may pag-asa, magtiwala lang tayo at darating din ang araw para sa atin."

She smiled again, nakita kong naluluha na siya kaya ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya.

"H'wag kang iiyak, Nay..." marahang sabi ko. "Pagkatapos ko ng senior high ay kolehiyo naman na ako, pagsisikapan kong makakuha ng scholarship sa CSU o kaya kung papalarin, sa Manila."

"Ang s'werte ko talaga sa anak ko..." she said softly. "Magtatrabaho rin ako ng maigi para mabuhay tayong dalawa."

"P'wede naman ako tumulong, Nay, eh." I said. "Ayaw mo lang."

"Dahil gusto kong ma-enjoy mo ang kabataan, anak. Time flies so fast, na minsan hindi na nararanasang magpakabata ng mga kabataan. Sa hirap ng buhay ngayon, sa batang edad ay marami ng kailangang magtrabaho at ayokong maranasan mo iyon. I want you to experience the best thing life has to offer and that is the youth."

Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang lambing sa mga mata niya.

"Gusto kong maging masaya ka habang nag-aaral, have friends, have crushes and love..." nanliit ang mata niya. "Pero hindi ko sinabing mag-boyfriend, Amalia, huh?"

Doon na ako natawa, yumakap ako kay Nanay kaya niyakap niya ako at tumawa rin.

"W-wala nga ako kahit crush..." sabi ko.

"Tss, naku, Amalia, matuto ka kasing makisalamuha. Ilabas mo ang pagkamadaldal mo." Aniya kaya natawa ako at lumayo na sa kanya.

"Sige na, Nay. Masyado na tayong nag-da-drama, papasok na ako at baka pagsaraduhan ako ng gate." Sabi ko at lumapit na sa pintuan.

"Oh, siya, sige. Mag-iingat ka, Lia. Ang mga gamot mo, h'wag tatakbo at h'wag hahabol sa teacher!" aniya kaya kumaway ako at mabilis na lumabas para pumara ng tricycle.

"Lia, sabay tayo!" nagulat ako pero napangisi nang makita si Ted na naupo sa tabi ko sa loob ng tricyle.

"Magandang umaga, Ted!" ngiti ko.

"Good morning, gusto mo bang dito sa may pinto uupo o d'yan na?"

"Uhm," I bit my lip. "P'wedeng palit?" I chuckled.

"Sure." He smiled at natuwa ako nang lumabas siya at sumunod ako, nauna siyang pumasok kaya mabilis akong sumunod sa kanya at naupo sa may pintuan.

"Salamat! Gusto ko kasi sana dito sa may pinto kasi ang ganda ng view sa b'yahe."

"Walang anuman," he smiled at me. "Clearance din kayo?"

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon