Kabanata 3

58K 3.2K 2.1K
                                    

Kabanata 3

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa maliit na medicine kit na hawak ko. May mga label iyon ng oras ng iinumin at ang pangalan ng mga gamot.

Nakakasawa rin minsan na kailangan kong i-monitor at inumin ito, minsan nga ay nasusuka na lang ako pero alam ko sa sarili kong kailangan kong inumin. Ayaw ko namang mag-alala ang Nanay ko sa akin.

Ginagawa niya ang lahat para buhayin ako, ayokong maging pabigat sa kanya. Kapag natapos akong mag-high school, gusto ko ay kumuha ng medicine-related course para matulungan ang sarili at ang Nanay.

Kaming dalawa na lang ang magkasama, sino't magtutulungan kung hindi kami lang.

It was hard living like this but I should be thankful because I am still alive. 'Yong iba nga, gustong-gustong mabuhay pero hindi na kinaya kahit ilang operations at pera ang naiwaldas kaya ang swerte ko pa rin.

Ang swerte kong nagising pa rin ako sa panibagong umaga.

I would never get tired thanking the almighty for waking me up for another day, it's such a blessing and a gift. Life is a gift kaya ang buhay, dapat iniingatan at minamahal.

"Lia, magandang umaga!" napangiti ako nang makita ang pagsakay ni Ted sa tricycle.

"Magandang umaga." Ngiti ko sa kanya pabalik, mabilis siyang umayos ng upo sa tabi ko, nilagay niya ang bag sa may hita at nilingon ako.

"May klase?" he asked and I nodded slowly.

"Oo, English lit. Gusto ni Ma'am mag-klase, eh."

"Oh, foundation, ah?" natawa siya roon. "Sinong prof ba sa inyo?"

"Si Ma'am Santos." Sagot ko sa kanya at umawang ang labi niya at tumango.

"Ay, oo. Si Ma'am KJ." Pagkasabi niya ay natawa ako, nakita ko ang ngisi niya sa akin doon.

"KJ?" tanong ko, natatawa.

"Oo, no'ng naging teacher namin 'yan kahit foundation may klase!" he said.

Naiiling na natawa ako, "ayos lang naman, gusto ko nga iyong klase niya."

"Oh? Kahit foundation? Dapat nga nag-sasaya ka, eh? Gala kayo sa mga booth kasama ang kaklase," aniya pero nagkibit-balikat lang ako.

"Wala naman akong nakakasama," tawa ko pa at umiling.

"Friends?" he asked pero maliit lang ako ngumiti at tumitig sa kamay ko.

"Wala," I said. "Pero ayos lang, sanay naman akong ako lang."

Nakita ko ang paglambot ng mata niya, kumunot ang noo niya at handa ng magsalita pero pinutol ko kaagad.

"So...may laro ulit mamaya?" tanong ko at nakita kong napansin niyang ayaw ko sa topic kaya tumango siya.

"Oo, mamayang hapon. Ayusin muna namin ang booths ngayon."

Bahagyang nanlaki ang mata ko at na-excite.

"T-talaga?" nang mautal ay tumikhim ako. "I mean...nando'n kayo sa booth ng Grade 11?"

"Oo," sagot niya. "Walang practice game ngayong umaga, pahinga muna sabi ni coach kaya ro'n muna kami sa mga booth ngayon. Bantay lang."

"Buong..." lumunok pa ako. "Buong basketball team ba?"

"Oo," sagot niya at napangiti ako. "Masaya ka, ah?" biglang pansin niya kaya tumikhim ako at umiling.

"Wala lang, uh, anong oras ang game?"

"Alas-kwatro ang basketball kaya hanggang alas-dos siguro nasa may quadrangle lang din kami. Nando'on ka ba sa booth ng Grade 9 mamaya?"

I slowly nodded, "uh, after ng English Lit, pinayagan kasi kong maghanda lang ng palamig kaya..." napangiti ako.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon