Kabanata 5

56.8K 3K 2.2K
                                    

Kabanata 5

"Nay, daming pagkain, ah?" pansin ko nang makitang maraming pagkain sa hapag.

"Ah, kagabi pa 'yan, Lia." Ngiti ni Nanay at inabot ako. "Tira iyan sa kagabi na kinain natin, tara, anak. Kain ka muna."

Ngumiti ako at tumango, naupo sa hapag habang si Nanay ay naging abala sa pag-aayos ng mga pinggan.

"Kumusta sa school, Lia?" ani Nanay sa akin.

"Ayos naman po," I smiled, thinking of what happened these days. "Foundation po ngayon sa amin kaya wala masyadong ginagawa. May mga basketball lang, booths, volleyball."

She nodded, nakangiting naglagay ng pagkain sa plato ako.

"Masaya ka naman ba? Anong ginagawa mo? Naku, Amalia, ah, makipag-socialize ka sa mga kaklase mo. H'wag ka palagi mag-library."

"Hmm," nakagat ko ang labi roon. "Actually, Nay, may mga kaibigan na ako."

Naupo siya sa hapag at tumitig sa akin.

"Kinilatis mo ba, anak?" she asked worriedly. "Ang huling mga naging kaibigan mo 'nung Grade 7 tinulak ka sa imburnal."

"Ayo slang ngayon, Nay." Natawa na ako roon. "Lumipat na rin naman 'yong bully na barkada 'nung Grade 7. Mababait."

"Hmm, anong pangalan?" aniya at napangiti akong lalo.

"Hmm, Heart." Sagot ko at maganang kinuha ang kutsara ko. "'Tsaka Atlas."

"Atlas?" biglang tanong niya kaya sumulyap ako at ngumiti, tumango.

"Opo, Nay. Montezides, 'yong anak po 'nung sa pamilya na pinagsa-sideline-an mo sa Peñablanca." Sagot ko.

Natigilan siya, nakita kong napainom ng tubig kaya kumunot ang noo ko.

"Ayos lang kayo, Nay?" I asked and slowly, she nodded.

Ngumiti siya at tumikhim, kinuha ang kutsara at nagsimulang kumain.

"Nay?" tawag ko.

"Oo naman, masaya lang ako may mga kaibigan ka." Aniya at ngumiti kaya tumango na lang ako at mabilis na kumain.

Excited ako pagpasok sa university namin, sa ibang gate ako dumaan dahil nagpadala si Nanay sa akin ng ulam para sa clinic, kina Nurse.

"Nurse!" I smiled when I saw her, nakaupo lang siya at nag-aayos ng papel at nang makita ako ay kumaway siya.

"Hello, Lia? Maaga ka, ah?" ngiti niya kaya naupo ako sa upuan sa harapan niya at binuksan ang bag pack ko.

"Nurse, lunch niyo, oh. Pinapadala po ni Nanay." Ngiti ko at inabot sa kanya ang Tupperware.

"Oh, salamat, Lia!" she smiled. "Makakatipid ako nito, 'di na ako bibili ng pagkain." Tawa niya.

"Walang anuman po, kunin ko na lang po 'yong Tupperware." I said and she laughed at me.

"Oo naman, balikan mo mamaya. Alam mo naman ang mga Nanay..."

"Tupperware is life po," I said at sabay kaming natawa roon. "Naalala ko 'nung 'di ko inuwi ang tuppeware dati pinagalitan ako. Bilang niya iyon, eh."

Napabungisngis ako nang i-kwento niya rin sa akin ang tungkol sa Nanay niya na bilang ang Tupperware nila kaya halos kalahating oras ako roon bago pa dumating ang isang nagpapa-check-up kaya nagpaalam siyang paalis.

Wala kaming klase ngayon. Huling araw na ng foundation kaya malaya kaming mag-enjoy sa mga booth. Tapos na rin ang basketball at panalo ang university namin at may volleyball mamaya at kung kaya ay manunuod ako.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon