Kabanata 18

40.1K 2.5K 1.8K
                                    

Kabanata 18

Totoo nga talaga and tarot card dati ni Heart...gwapo sana kaso...palpak.

We all panicked, nakita ko ang pagsapo niya ng kanyang ilong at nahulog ang chart na hawak niya sa lapag.

"Doc!" they exclaimed, napatakip na lang ako sa bibig ko.

Lumuhod na ang ibang nurse para tumulong, ang ibang nasa room ay napalabas din dahil sa biglaang sigawan.

"Doc! Ayos ka lang—"

"Y-yeah, guni-guni niyo lang 'yon!" his panicking voice said.

Gusto ko siyang silipin pero natulos ang mga paa ko habang nagmamasid. Sapo niya ang bandang ilong at noo at umiiling-iling sa mga nurses na tutulong sa kanya sa pagtayo.

"Doc—"

"I'm okay, I'm okay...imagination niyo lang 'yon..." his calm voice said, hinawakan ng mga nurse ang braso niya patayo.

"Hijo, are you okay?" Dr. Sean asked worriedly.

"I-I'm fine...thank you." He muttered and the nurses let him go. Marahang humarap siya sa amin, sapo pa rin ang ilong.

He walked a bit pero biglang nawalan ng balanse na parang nahilo at napaabante kaya napasinghap ako. He almost fell but I caught him in shock, nahawakan ko ang kanyang likod at napasubsob siya sa balikat ko.

"Oh my God!" I gasped in shock.

"Doc!" they called.

Nalanghap ko ang kanyang pabango nang mapasubsob siya sa akin, para alalayan ay inabot ko ang braso niya nanlalaki ang mata. I can feel the electricity running through my veins from him, para akong sinilihan doon na hindi maintindihan.

"Louis, hijo...are you fine?" biglang napalayo sa akin si Atlas.

"Y-yeah..." he said and glanced at me, his eyes are still so wide. I noticed his red nose and forehead, mapupungay ang mata pero namumula ang mukha.

"O-okay ka lang?" I can't help but ask.

"H-hindi, eh..." umangat ang kamay ko sa gulat nang muling bumagsak ang kanyang mukha sa balikat ko. "P-parang medyo nahihilo pa ako..."

"You should rest first, hijo! Clinic!" ani Dr. Sean at hindi ko alam ang gagawin.

Nanigas lang ako sa gitna habang ang mukha ni Atlas ay nasa may aking leeg. I can feel his breath touching my ear, dahil matangkad siya at malaki ay nagmistula akong maliit na pixie habang nandito siya.

Hindi na ako nakagalaw nang ang mga lalaking nurse ay kinuha sa akin si Atlas, I saw his looking hesitant at first, nagsalubong pa ang mata namin kaya tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"Clinic," ani Dr. Sean kaya nagtungo kami sa clinic nila for employees.

Sa ibaba lang iyon, ayaw ko man ay nakakahiya kaya sumama na lang ako sa kanila. Dr. Sean is there, naglalakad si Atlas habang hawak ang ilong at may katabing isang babaeng nurse at isang lalaki rin.

"Pasensya na, Miss Argueles..." ani Dr. Sean kaya bumaling ako sa kanya.

"Po? Ayos lang." I flashed a small smile at him.

"Masyadong focus lang ata sa binabasa kaya nakaligtaan ang pintuan," aniyang natatawa at naiiling. "Maayos at attentive naman ang batang 'yan, ewan ko at bakit bangag ngayon."

I just chuckled and nodded, "ayos lang po, baka pagod lang."

"Probably..." he nodded.

I am almost chewing my lips while walking with them to the clinic, umayaw si Atlas na pupunta pero pinagalitan ni Dr. Sean kaya hindi na nakipagtalo.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon