Kabanata 10

41.3K 2.4K 1.6K
                                    

Kabanata 10

My watch made a loud sound. Nagkatitigan kami ni Atlas at napakurap ako.

"Lia!" he called but I was too pre-occupied, damang-dama ko ang kalabog ng puso ko.

Gusto niya raw ako!

"Lia! Are you okay?!" doon lang ako natauhan, bumaba ang tingin ko sa relo ko at natantong malakas ang tunog nito. I panicked, mabilis kong pinindot para mawala ang ingay at napasulyap kay Atlas na kunot ang noo.

"Lia, answer me!" he demanded, cupping my face, hinanap niya ang mata ko at nagsalita. "A-are you okay? D-did your chest hurt? I..."

"A-ayos lang..." slowly, I found my voice.

Mabilis pa rin ang kalabog ng puso ko at hinanap ang mata niya. "Ayos lang..."

"No..." his forehead creased. "We have to go back, ang gamot mo? Are you..."

I took his hand on my cheek and slowly squeezed it, natigilan siya roon at mas lumambot ang mga mata.

"Lia, we have to—"

"I-I'll calm down," bulong ko. "B-baba tayo mayamaya, k-kakalma lang ako."

He was hesitant at first, alam kong gusto niyang ipilit na bumaba na kami pero para 'di ko pa ata kaya hinayaan na lang niya ako. He slowly pulled me on his chest, napapikit ako at isinandal ang mukha roon, marahang kumakalma.

"S-sorry..." he muttered. "D-did that scare you?"

"H-hindi naman..." sagot ko at hindi na siya sumagot at hinayaan na lang ako.

After a few moments, I felt myself calming down, doon na ako nag-ayang bumaba at halos mag-panic na siya para maibalik ako.

He was too quick to get down the rocks and caught me, inalalayan niya rin ako pagkarating namin sa tubig at hindi ko na siya napigilan nang bigla na lang niya akong buhatin pagkarating namin sa mga may lupa para dalhin sa malaking bato at paupuin.

Medyo nanghihina ako, naririnig ko ang boses nila Heart pero 'di ko na masyadong makuha.

"Wear this first," nang imulat ko ang mata ko ay nakita kong inilalahad niya ang shirt. Hindi na ako nakapagsalita nang isuot niya iyon sa leeg ko at inangat ko ang braso ko at doon na ako niyakap ng init.

"Water, Heart..." he called at mayamaya'y nahuli ko na ang pagtakbo ni Heart hawak ang plastic cup at inabot sa akin.

"Here," she said, mabilis na tumabi at pinagmasdan akong umiinom. "Lia, are you okay?"

"Anong nangyari?" Josh asked, kasunod na si Yui at si Ted na kakaahon lang sa falls.

Nagkatinginan kami ni Atlas, lumapit pa siya ng bahagya sa akin at hinawi ang buhok ko, marahang sinusuklay.

"Ayos na ako..." sabi ko bago bumaling sa mga kaibigan.

"Lia, are you really..." nasalubong ko ang mata ni Atlas bago marahang tumango at ngumiti, kumalma na.

"Oo, ayos lang." Sagot ko. "M-medyo nagulat lang..."

"Ano bang nangyari?" Yui suddenly asked, hinahawi pa ang buhok at dumudungaw sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot, nakita ko rin si Atlas na nakatitig sa akin, tila inaantay kung sasabihin ko ba kung ano kaya nag-init ang pisngi ko.

"U-uh, wala, medyo nag-panic lang ako..." sabi ko na lang.

Nakita kong nakatitig sa akin si Heart, alam kong 'di niya kinukuha ang palusot ko pero 'di siya nagsalita.

"Uh, gano'n ba?" Yui smiled, "'yon lang pala, can we eat for lunch na?"

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon