CHAPTER 2: Wishing Well

207 24 13
                                    

Thea's POV

It was my first time to go in a seminary that's why I was amazed when I saw the inside of it. It was like a normal school but the difference was it is wider and bigger than usual because there were dormitories at the back.

A basketball court and garden was placed on the right side while on the left side was the stage and function hall. There was also a mini church at the second floor.

"Wow. Ang ganda naman dito," masayang sabi ni Kath nang makarating kami sa garden. Meron pa nga statue ng isang saint sa gitna ng parang wishing well.

Nag-picture kaming tatlo bago sumunod sa function hall. Dun kasi gaganapin ang venue. Marami na rin youth ang dumating. They were from the other parishes sa buong Pampanga.

Kuya Josh explained earlier that it was the yearly event of the seminary and it's the first time for our church to be invited. It was really a honor in our Youth Ministry.

Habang naglalakad na kami nila Kath papunta sa function hall, napansin ko na nasa basketball court si Isaiah kasama yung ibang Altar Servers na ka-edad siguro niya.

"Girls! Kilala niyo ba yun?" Tanong ko sa dalawa habang tinuturo si Isaiah.

Tumigil si Kath sa pagse-selfie. "Sino? Si Isaiah?"

Tumango ako. "Oo. New member daw ng Altar Server."

"Ah, oo. Kaklase ko yan eh," sagot ni Kath.

"Weh? Ba't 'di ko alam?" Tanong ko.

Pare-parehas kasi kaming senior high school students at graduating na this school year. Magkakaiba lang kami ng kinuhang strand pero nasa i-isang school lang ang pinag-aaralan namin.

"Malay ko! 'Di ko naman close," Sagot niya saka siya mahinang tumawa.

Napalingon si Isaiah nang makitang nakatingin kami kaya mabilis kong iniwas ang mata ko sa kanya at naunang naglakad papunta sa function hall. Pagkadating namin nila Loreen doon ay napansin ko na nakasunod na rin sila Isaiah sa amin pagtapos silang tawagin ng iba.

Ang mga kasama namin ay nasa bandang harapan kaya dumiretso na rin kami doon at umupo sa nakareserve na seat para sa 'min.

There were fifteen monobloc chairs placed each row. Ang pwesto namin ay nasa panglimang row kaya doon na kami pumunta. Kathrine sat on the first chair near the aisle then Loreen followed her so I did the same thing with them.

I was about to sit when I glanced at Isaiah walking towards our seats. My eyes widened and I rushed myself looking away from them.

"Loreen, palit tayo ng upuan," bulong ko pagkatapos umupo ni Isaiah sa tabi ko.

"Ayoko, Thea! Ganda ng view ko dito eh," reklamo niya.

Napansin ko na napalingon si Isaiah nang marinig ang sinabi ni Loreen. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.

I pouted my lips and looked at the stage. Hinayaan ko na lang na katabi siya. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya okay na yun.

Napansin ko na may mga 3D letters na nakatayo sa gilid ng stage. 'VOCARE' ang nakalagay. May mga malalaki rin na speakers sa gilid. Tapos sa taas ng stage ay may nakakabit na disco lights.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon