CHAPTER 22: Drunk

130 14 0
                                    

Thea's POV

Speechless. I could not even move neither my lips or my mouth. That was the question that was left unanswered for five years.

I turned my eyes on him and formed a smile.

"Mahalaga pa pala sa 'yo 'yon?" I asked.

'Di ko inaasahan na darating sa puntong babalik kami sa nakaraan. Umalis siya sa loob kanina pagkatapos marinig ang musikang naging dahilan ng kasakitan.

Ngayon lang kami nag-usap ulit sa loob ng limang taon. Wala akong naging komunikasyon sa kanya dahil simula pa lang ako naman ang bumitaw.

"Oo naman. Mahalaga ka pa rin naman hanggang ngayon," seryosong sabi niya.

"Hindi ka galit sa akin?" Alanganing tanong ko.

"Galit. Gusto ko lang malaman ang katotohan na itinago mo sa akin."

Napakunot naman ako ng noo. "Wala kang nalaman sa nangyari?" Nagtatakang tanong ko.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sarkastikong sabi niya.

Napatahimik naman ako sandali. Sa gitna ng katahimikan namin ay sinusuri ko pa ang aking mga sinasabi. Ilang sandali ay may nagbigay ng ilang bote ng alak sa aming dalawa.

Kumuha ako ng tatlong bote para sa akin. Nakabukas na iyon kaya ininom ko na agad ang isang bote. Tinungga ko iyon at halos may luminyang kuryente sa aking lalamunan. Maya-maya ay bumaling ako ng tingin ulit sa kanya.

"Eh ano lang ang alam mo?"

Wala rin akong alam kung ano ang nangyari pagka-alis ko. Walang sinabi sa akin sila Kath tungkol sa kanya pero pinaliwanag ko ang lahat sa kanila.

Kahit masakit ay pinilit kong iwasan na magtanong tungkol sa kanya hanggang sa nakasanayan ko na.

"Tss. Ang alam ko lang nakipaghiwalay sa akin at saka umalis ng bansa," simpleng sagot niya at saka uminom din ng alak na kinuha niya.

"Walang sinabi sa 'yo ang demonyitang Andrea na nililigawan mo?!"

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "At sinong nagsabi na nililigawan ko ang babaeng 'yon?"

Nagkibit-balikat naman ako. "Well, she told me earlier."

"Naniwala ka naman?"

Uminom ulit ako hanggang sa makalahati ko na ang isang bote.

"Why not? Siya naman dahilan ng paghihiwalaway natin eh. So, I expect na kaya niya ginawa 'yon dahil gusto ka niya kaso nagtaka nga ako dahil hanggang ngayon ay 'di ka pa rin sa kanya," natatawang saad ko.

Nakita ko ang pag-awang ng kanyang mga labi at saka sandaling tinitigan iyon.

"Wow. Isinisi mo pa talaga sa kanya ang nangyari? Ang bait bait ng tao."

I smirked. I knew it. 'Di siya maniniwala sa akin.

"Akala ko ba gusto mo malaman ang katotohanan? That's the truth, Isaiah."

"Hindi niya magagawa 'yon, Thea."

Mas lalo akong napangisi sa ipinaglalaban niya. Nakaramdam ulit ako ng sakit. Tinutusok na parang karayom ang aking puso.

"Nagawa na niya, Isaiah. Nagawa niya na isumbong at sirain tayo kay Mama noon. Nagawa niya na ipakalat sa buong simbahan na nakikipaglandian daw ako sa isang Altar Server at yun ang dahilan kung bakit nasira tayong dalawa."

Nakita ko ang pagngisi ng kanyang mukha pagkatapos kong sabihin 'yon. Initungga niya rin ang bote ng alak na iniinom niya. Tinitigan ko ang pagdaloy ng alak sa lalamunan niya. Sa bawat galaw ng adams apple niya ay tila may kuryenteng umaakyat sa aking katawan. Nakakatukso.

Amidst of Service (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang