CHAPTER 28: Full Knight

144 14 0
                                    

Kyle's POV

"Basta mamayang gabi i-ready niyo na," utos ko sa kausap ko sa kabilang linya ng telepono tapos ay pinatay na rin ang tawag.

Huminga ako nang malalim at saka bumaba mula sa kwarto. Ito na ang araw na pinakahihintay ko.

Matagal-tagal din ang hinintay ko para sa araw na ito.

Minsan kahit gaano pa katagal ang hintayin natin kusa na lang itong darating sa buhay natin.

"Ang bango naman!" Masayang bati ko kay mama na nagluluto na para mamaya.

Nakita ko ang iba't ibang putahe na inihahanda niya.

"Fiesta ba, Ma?" Tanong ko nang may pagtataka.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti pati ang kanyang mga mata.

"Oo, Nak! Double celebration, 'di ba? Or baka triple na rin?" Asar niya sa akin.

"Ang sweet talaga ng Mama ko!" Sabay lapit sa kanya at yinakap siya.

"I'm so proud of you, Kyle," malambing na sabi niya.

"Thank you, Ma. Sana maging okay na ang lahat mamaya."

"Sigurado 'yan, Nak! This day is for you, okay?"

Tumango naman ako at saka nagpaalam na maliligo na. Ala-sais pa lang ng umaga ngayon pero gising na ako. Kailangan kasi ay maaga kami pumunta ng simbahan.

Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ulit ako sa kwarto para mag-ayos. Sinuot ko ang white shirt na naka-tuck-in sa aking black pants. Naglagay na rin ako ng konting wax sa aking buhok para maayos tingnan.

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng message mula kay Thea habang sinusuot ko ang black shoes.

Althea: Getting ready. Good luck. See you mwah!

Napangiti naman ako pagkatapos kong basahin iyon. Nang makapagpabango na ako ay kinuha ko na ang sutana na nakasabit sa cabinet.

"Mapapalitan ka na naman ah!" bulong ko habang nilalagay sa aking braso ang sutana.

Bumaba na ulit ako at nakitang nag-aayos na si Mama ng sarili.

"Mauna na ako, Ma. Tutulong pa ako sa pag-aayos eh," paalam ko kay Mama.

"O sige, Nak! Sabay-sabay na kami pupunta ng simbahan," sagot niya.

Hinalikan ko naman siya sa pisngi at saka naglakad na ako palabas ng bahay. Dumiretso ako sa kotse at saka isinabit ang sutana sa loob. Pagkapasok ko ay pinaandar ko na rin 'yon at pumunta na ng simbahan.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa simbahan. Nang matapos ako mag-park ay nakasalubong na agad sa akin si Carl sa labas.

Agad din naman akong lumabas at naglakad na papunta sa kanya.

"Congrats, Pre! Ay mali! Congrats, Engineer!" Bati niya agad sa akin.

Napa-iling naman ako sa sinabi niya sabay ngiti na rin. Siya kasi ang kauna-unahang nakakita ng resulta ng board exam namin. Pagkagising ko kanina ay binuksan ko rin agad ang sinend niyang link sa akin.

"Congrats sa atin, Engineer!" Natatawang bati ko rin sa kanya.

Ang saya talaga simulan ang araw kapag may magandang balita ang dumating sa 'yo.

Sabay kaming naglakad papasok ng simbahan at bawat may makakasalubong kami ay binabati na kami.

Sakto lang ang dating namin dahil halos kakatapos lang ng unang misa. Isasabay kasi sa pangalawang misa ang aming induction kaya ngayon pa lang ay ramdam ko na ang kaba.

Amidst of Service (Completed)Where stories live. Discover now