CHAPTER 21: Leaves

117 14 0
                                    

A/N: Featured song: Leaves by Ben&Ben

Kyle's POV

Hingal na hingal akong sumagot sa tanong ng emcee. Pinagtulungan ba naman ako ng mga kaibigan niya at kaibigan ko!

May parte sa 'kin na sinasabi na dapat ako ang maka-partner niya pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napakagat naman ako sa ilalim ng labi ko nang makita ang reaksyon niya.

"Alright! Ms. Althea, upo ka na sa chair!" Anunsyo ng emcee pagkatapos ibigay sa akin ang garter.

Tinulungan naman siya na maglakad papunta sa isang upuan na nasa gitna habang ako nagdadalawang-isip kung tama ba 'tong gagawin ko. Bumabaluktot na ang sikmura ko wala pang nangyayari.

Naka-upo na siya habang hawak ang bulaklak. Ako ay nakatayo naman sa tabi ng emcee. Unti-unti naman nilang inalis ang blindfold niya para makita ang nangyayari.

'Di na bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako pero alam ko na may halong inis at kaba ang bumabakas sa itsura niya.

"Go Isaiah!!! Yiiiieee!!!"

"Kyaaahhhh!! I'm so excited!!"

"Wooooh! Ang bilis ah, Pre! Galingan mo!"

Bawat tao na nasa loob ng function hall ay nagsisitilian. Umiling-iling naman ako nang marining ang sigaw ni Carl. Sandali naman akong napasulyap sa kanya. Namumula na ang kanyang mga pisngi na tila kinakabahan din sa mangyayari.

"Okay! Isaiah and Althea! Are you ready?" Tanong ng emcee.

Tang*na! Hindi!

Sabay naman kaming tumango kaya nang makita iyon ng mga tao pati ang bagong kasal ay napapatili na rin.

"What are you waiting for?! Isaiah! Ipasok na yan," kinikilig na utos ng emcee.

Napamura naman ako sa isip ko kasabay ng pagkagat sa ilalim na parte ng labi ko tila may parehas kaming isip dahil sabay pa namin iyong ginawa.

Huminga ako nang malalim at saka naglakad palapit sa kanya habang hawak-hawak ang garter. Lalo akong binalot ng kaba nang magkatinginan kaming dalawa.

Dahan-dahan naman akong lumuhod sa kanyang harapan. Ang mga tingin niya ay sumusunod sa bawat galaw ko.

"Go Isaiah!!" Cheer ng emcee.

Una kong inalis ang kanyang sandals sa may kanang bahagi ng paa niya. Ang kinis ng kanyang paa na para bang araw-araw siyang nasa footspa.

Sumulyap muli ako sa kanya bago isuot ang garter sa kanyang mga paa. Hindi nakatakas sa aking mga tingin sa pagkagat ng kanyang labi. Halatang kabado siya.

Napangisi naman ako nang maisip ang isang ideya. Binalik ko ang tingin sa kanyang paa. Humanda ka sa 'kin mahal na prinsesa!

Dahan-dahan kong isinuot ang garter sa kanang paa niya. Yumuko naman ako para kagatin ang garter. Bigla akong napalunok nang makitang napikit siya.

Dahil sa mga hiyawan na naririnig ko ay 'di na ako nagdalawang isip na gawin 'to. Dahan-dahan kong itinitaas ang garter gamit lamang ang aking bibig.

Sa bawat pagtaas ay tila may kuryenteng namumuo sa aking balat. Sa bawat dampi ng aking labi sa kanyang balat ay para akong nanlalambot.

Mas nakadagdag pa ng aking pawis ang kanyang suot. Habang palapit ako nang palapit sa kanyang legs ay tila ba tinutukso ako ng kanyang kasuotan.

"Higher! Higher! Higher!"

Muli kong binaling ang aking ulo sa kanya habang kagat ko pa rin ang garter. Nahihipnotismo ako sa kanyang mga tingin na para bang inuutusan na ipagpatuloy ang gagawin.

Amidst of Service (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ