CHAPTER 25: Subic

137 13 0
                                    

Thea's POV

"Do I need to come with you?!" Reklamo ko habang magkakrus ang dalawa kong kamay.

Nakaupo kami nila Kath at Loreen ngayon aking sala habang pinag-uusapan ang lakad mamaya.

Nandito na kasi sila at nakahanda na rin ang gamit nila pero ako na langang hindi naka-ready. Nagdadalawang-isip pa kasi ako kung sasama ba ako sa Team Building ng Youth Ministry.

"Of course! Sa ayaw at gusto mo sasama ka. Period," saad ni Kath.

"Ba't ba kasi kailangan pa akong sumama eh 'di naman na ako member ng Youth Ministry!" Inis na singhal ko.

"Ikaw rin! Sasama pa naman ata si Andrea baka pag-uwi ni Kyle, 'di na siya ulit sa 'yo," asar ni Kath.

"Fine! Sayang din naman ang absent ko ngayon!" Then I rolled my eyes on them.

All of a sudden, I got a phone call from Mama. I arched my eyebrow and answered it.

"Hello?"

"Althea! I heard you are coming in the Team Building of the Youth Ministry," she mentioned on the other line.

"Yeah," walang ganang sagot ko.

"Good! I'm happy that you're coming back in the ministry."

I sighed. "Ma, you might misunderstood it. Sasama lang ako sa Team Building but it doesn't mean na babalik na ako."

"But Althea..."

"I know what I am doing, Ma. That's my final decision. You can't do anything with it."

Nagpaalam na ako pagkatapos kong sabihin 'yon. 'Di na ako papayag na kontrolin niya ulit ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Galit ako sa kanya pero 'di ko kayang magalit ng sobra dahil nanay ko pa rin siya.

"Mag-aayos lang ako ng gamit," paalam ko sa dalawa.

Tumango naman sila at saka umakyat na ako sa kwarto. Pagkapasok ko ay kinuha ko agad ang duffel bag sa cabinet at saka kumuha ng mga damit na gagamitin ko.

Naglagay ako ng dalawang floral dress dahil beach daw ang pupuntahan namin. Nilagay ko rin sa bag ang dalawang shorts at dalawang halter top sando. Isinama ko na rin ang isang pares ng pantulog. Bukod don ay nilagay ko rin ang mga essentials at ibang gamit ko tulad ng laptop at camera.

Maya-maya ay kinuha ko na ang twalya ko para maligo. Susunduin naman kami ni Kyle at saka sa kotse niya kami sasakay papunta kung saan gaganapin ang Team Building.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ako ng banyo at nakapagpalit na rin ako ng damit. Suot ko ngayon ang isang stripes square pants at saka white turtle neck fitted longsleeves.

Habang nagsusuklay ako ay may biglang kumatok sa kwarto.

"Thea! Nandito na si Kyle," sigaw ni Loreen mula sa labas ng kwarto.

"Sige! Nag-aayos na lang ako," sagot ko naman.

Napatingin naman ako sa may pinto nang bigla itong bumukas. Niluwa nito ang gwapong nilalang na naka beach shorts at black shirt. Ngumiti siya nang makita ako.

Bumalik naman ako ng tingin sa salamin at saka tinapos ang simpleng make-up sa mukha ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang mga kamay niya na yinakap ako mula sa likuran.

"Miss mo 'ko?" Asar na tanong ko.

"Hindi ah! Ngayon nga lang kita yinakap ulit ng ganito."

Napangiti naman ako. "Wag ka mag-alala. Palagi mo na akong mayayakap ng ganyan."

Amidst of Service (Completed)Where stories live. Discover now